Posted by: cris | March 22, 2008

Paksiw na Isda

Eto pa ang isang masarap pero simpleng pagkain.

Paksiw na Isda

Mga Sangkap:

1/2 kilo Isda. Alisan ng hasang at bituka. (Mas mabuti kung ipalinis na sa market ang isda at dun na rin ipahiwa para wala ka nang problema). lagyan ng asin. set aside.

1 medium size sibuyas. Hiniwang manipis.

2 butil ng bawang (ajos in cebuano). pisain o hiwain ng manipis.

luya. mga 1″ by 3″. Hiwain ng medyo manipis.

Mga kamatis (tomato) na buo. Kung madaming stock kayo, damihan niyo rin ng lagay kasi nakatatamis ito ng sabaw. Wag hihiwain.

Ampalaya (optional kung ayaw mo ng gulay na ito). Hatiin ang ampalaya sa 2 at hiwain ng naka – slant. mga mga 1″ by 2″ okay na yun. Pero kung gusto mo mas malaki pa, okay rin. Kaw lang bahala.

Ooooops. ang asin pala. baka makalimutan.

At saka suka pala. Ang ginagamit namin ay suka na galing sa niyog. unbranded. Binili sa tindahan ni Manoy Ranol.

Paraan ng Pagluluto:

Ilagay ang isda sa kaserola. Lagyan ng suka ang isda na may asin na. ang dami ng suka ay depende sa gusto mong dami ng sabaw.

Ilagay ang hiniwang bawang, sibuyas at luya. Ibabad muna ang isda at mga sangkap sa suka ng mga 10-15 minutes. Takpan.

Isalang sa katamtamang apoy. Wag bubuksan ang kaserola dahil mahihilaw ang suka. Pakuluin. Pag kumulo na ng mga 2-3 minuto ay hinaan ang apoy. Hayaang nakasalang ng mga 20-30 minutes. Panatilihing may takip.

Ilagay sa ibabaw ang mga kamatis. Takpan. pakuluin uli ng mga 10-15 mins. para lumambot ng husto ang kamatis.

Ilagay na ang ampalaya. Wag hahaluin. Takpan at lutuin ang ampalaya sa loob ng 5-10 mins. Dahil nakapatong lang ang ampalaya sa kamatis, parang ini-steam mo lang ito. Hindi papait ng husto. Yung natural lang na lasa ng ampalaya ang malalasahan mo.

Ihain ang Pinaksiw na Isda na kasama ang mainit na kanin.

Kainan na!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: