Posted by: cris | March 22, 2008

Isda na may Malungay (Moringa)

Nakatikim ka na ba ng isang napakasimpleng ulam pero masarap? Narito ang isang halimbawa.

Isda na may malungay (moringa Oleifera)

Mga Sangkap:

Hinimay na isda. Puedeng yung sobra sa pinirito niyong isda sa agahan. O kaya naman ay ang sobra sa inihaw na isda last weekend. Ikaw na ang bahala kung gaano karami basta yung makasasapat sa bilang ng kakain. Kami ay lima so mga 1 cup ng hinimay na isda ay sapat na.

Isang katamtamang laki ng gabi (bisol sa cebuano). Balatan, at hiwain nang mga 1/4″ ang kapal. Manipis lang para mabilis maluto.

Isang maliit na sibuyas (bumbay ang tawag sa cebuano). Hiwain ng manipis.

Malungay. Yung sariwa. Mas makabubuti kung kakukuha pa lang sa puno. Mas masarap ang medyo light green. Yung dark green na ay mapait lalo na kung hindi hahanguin agad. Mga 1 cup ay puede na. Pero dahil marami akong puno ng malungay, madami ako maglagay. Ang hassle lang sa gulay na ito ay ang paghahanda dahil matagal himayin. Pero sa katagalan pag palagi mo itong ginagawa matututo ka rin ng mas mabilis na paraan ng paghihimay.

Siyempre, asin. Walang vetsin. Bawal yan sa anak ko.

Paraan ng Pagluluto.

Lagyan ng mga 3 basong tubig (mas mabuti kung filtered water) ang kaserola.

Ilagay ang hinimay na isda, sibuyas at gabi. Pakuluin. Pag malambot na ang gabi (bisol) ay timplahan ng asin ayon sa iyong panlasa.

Pagkulo ay ihulog ang malungay. Ilubog ng konti sa sabaw at patayin na ang apoy. Ihain habang mainit pa. Ang sarap niyan. Manamis-namis ang sabaw.


Responses

  1. ano ang tawag sa dish na iyan? Moringa? Pronounced as moring-ga. mori-nga, mo-ringa, moringaa?

  2. Actually, it’s just malungay sa tagalog and kamungay or kalamungay in cebuano. It’s scientific name is moringa oleifera. I think it’s pronouced as moring-ga.

    Please check out this page, too. http://www.stuartxchange.com/Malunggay.html


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: