Posted by: cris | March 19, 2008

Childhood Memories-Classic and Folk Filipino songs

Right now, I am listening to classic and Filipino songs in imeem.com. I am happy to hear the same songs that Tatay and I and the rest of the family listen to when I was younger. Much much younger than today.

I remember Sunday mornings listening to Paeng Yabut’s show in DZBB. Those were the days of simple living, when the only entertainment we had is the transistor radio. Singing along to songs like, “Halina’t Magsaya, Bakya Mo Neneng, Sa libis ng Nayon, Balot, Penoy, Lawiswis ng Kawayan, Ang Pipit, Pandango sa Ilaw, Carinosa, Rosas Pandan” at iba pa.

(Tagalugin na lang natin)

Gustong gusto ko rin ang mga kantang , Manang Biday, Matud Nila, Dandansoy at iba pang kanta, na galing sa iba’t ibang bayan ng Pilipinas. Matagal na matagal ko nang hindi naririnig ang mga kantang nabangit. Subali’t nakatanim naman sa aking puso ang mga salita at melodiya ng mga lumang awitin. Sa aking pagiging ina, upang ipagdiwang ang mga magagandang alaalang ito ay ipinakilala ko ang mga lumang kantang ito sa aking mga anak sa pamamagitan ng pagkanta habang pinatutulog ko sila. Ang mga kantang naaalala ko ay ang mga oyayi nila nuong mga sanggol pa sila.

Nang ako ay nakapag asawa ng Cebuano ay na-introduce ako sa mga lumang kanta na sinulat ng mga Cebuano at iba pang mga kompositor na galing sa Visayas Region. Nagulat ako na ang pinakapaborito ko na “Rosas Pandan” ay galing pala sa original na Cebuano at ang kompositor ay si Domingo “Minggoy” Lopez. Isinalin lamang ito sa Tagalog na siya ko namang naririnig na kinakanta ni Pilita Corales sa radyo.

At ang paborito nating “Ang Pasko ay Sumapit” ay may original title na “Kasadya Ning Takna-a”, na sinulat ni Vicente Rubi at nilapatan ng musika ni Mariano Vestil. Kasabay ng pagpaparangal natin sa mga kompositor na galing sa Luzon, nararapat din na bigyan natin ng pagkilala at parangal ang mga kompositor na galing sa ibat-ibang bayan ng ating bansa. Mga taong gumawa ng mga walang kupas na awiting naging bahagi ng ating buhay.

Sa pagdating ng panahon, at hinog na sa gulang ang aking mga anak, ibang mga kanta ang maaring maalala nila. Hindi ko alam kung magiging magandang alaala para sa kanila ang mga oyayi na inawit ko ng mga bata pa sila. Maaring ang matatandaan nila ay mga kanta ng Black-eyed peas, Bisrock music, sila ne-yo, bamboo, kitchie nadal, nora jones at iba pa. Magka-ganon man isa lang ang ibig sabihin nito. Ang musika, ay isa sa mga alaalang dadalhin natin sa ating pagtanda.

http://www.imeem.com/people/BPCI3dD/playlist/dPPRupip/filipino_classic_and_folk_songs_music_playlist/

http://www.imeem.com/people/BPCI3dD/playlist/nhJoqxiS/visayan_songs_music_playlist/

http://www.imeem.com/people/BPCI3dD/playlist/GMXhGqev/pilita_corrales_music_playlist/

http://profile.imeem.com/475yO0v/playlist/Y5k9hUrr/classic_and_folk_filipino_songs_music_playlist/


Responses

  1. Swerte kaayo day nga ang imong bana nakapangasawa ug gwapa kaayong asawa nga pareha kanimo. (Your husband will understand what I just said.)
    Hwag kang mag-alala, at ang misis ko’y tagalog rin na katulad mo. I’m happy that you appreciate songs coming from the Visayas, Cebu especially. If you dig deeper you’ll find that the Cebuano culture contributed a lot to the enrichment of the Filipino culture in general, especially in songs, dances, entertainment, etc.

    Mel
    Sydney, Australia

    • hi mel

      suerte jud kaayo siya. salamat pud sa compliment nimo.
      Indeed cebuano culture is very rich. It is just so sad that we from the north doesn’t know much of it.

      cris


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: