Posted by: cris | March 14, 2008

Tortang Talong

Last time nagluto pala ako ng tortang talong. Sarap! Peborit talaga!

Anyway, heto ang mga kelangan:

8 regular size na talong. Ihawin.

3 medium size onion. Hiwain ng maliliit na squares. Kung kaya mo magtadtad, ok lang din.

VCO depende sa gusto mo ang dami.

2-3 eggs. scrambled.

asin syempre, pangtimpla.

Paraan ng pagluluto:

Alisin ang balat ng inihaw na talong. Pisa-pisain ng tinidor hanggang medyo magkahiwalay ang hibla pero hindi durog.

Kumuha ng 2 piraso. Lagyan ng konting asin. Budburan ng tinadtad na sibuyas. Lagyan ng itlog. Ipirito.

Wag masyado malakas ang apoy, kasi masusunog naman ang itlog at talong. Remember, luto na ang talong dahil inihaw mo na yan. Niluluto mo na lang ang itlog.

Pag medyo brown na ay baliktarin. Pag medyo brown na naman ay hanguin na. Palitan na naman ng ibang talong na may budbod na sibuyas, asin at itlog.

Siguradong habang nagluluto ka ay susugod na sa kusina ang mga kasama mo sa bahay, dahil sa bango ng niluluto mo.

Masarap i-sawsaw sa ketchup and tortang talong. Pero kasi bawal sa anakis ko, kaya saktong timpla na lang ng asin, puede na.


Responses

  1. Ang sarap niyan. Paborito ko rin yan


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: