Posted by: cris | March 12, 2008

Ginisang Mungo na may gata

Dahil medyo kailangan bantayan ang diet ng bunso ko, kaya hanap ako lagi ng mga recipe na puede sa kanya, based sa aking judgment (hehehehe), hindi sa skul kasi, ako naman ang magluluto. Kaya ayun ngayong hapunan ang niluto ko ay:

GINISANG MUNGO NA MAY GATA

1/4 kilo mungo (ibabad ng 2 oras sa tubig saka palambutin para tipid sa lpg. Tip: pag kulo, hinaan ang apoy yung sapat lang na di mamatay ang apoy)

bawang (depende sa dami ng gusto niyo. Kasi ako, madami ako maglagay ng bawang)

2 medium na sibuyas (puede ring tatlo para mas masarap)

Hinimay na pritong isda (Pinirito sa VCO. Yung sobra namin sa tanghalian)

1/4 kilo kinudkod na niyog, puede rin 1/2 kilo (mas masarap)

Malungay, alugbati, o dahon ng ampalaya, maski ano puede. Basta himayin lang din. (Sabi pala ng hubby ko wag ampalaya gamitin kung di marunong magluto ng dahon ampalaya na di pumapait)

Tanglad (lemon grass) o sangig (lemon basil)

Paraan ng pagluluto:

pigain muna ang niyog ng wala pang banto ng tubig para sa kakang-gata. Itabi ito. Lagyan ng tubig ang niyog at pigain uli. itabi muna.

Igisa ang bawang medyo papulahin. Idagdag ang sibuyas. pag mapusyaw na ang sibuyas ay ilagay ang hinimay na pritong isda.

Ilagay ang pinalambot na mungo. Durugin mabuti ng sandok Pisain. Haluin. Ilagay ang ikalawang piga ng niyog. Pakuluin. Halu haluin paminsan minsan.

Pagkulo, timplahan ng asin. pakuluin pa ng mga 2 minuto. Idagdag ang kakang-gata. haluin paminsan minsan hanggang kumulo uli. Tapos, ihulog na ang dahon na meron ka (malungay, alugbati o ampalaya). Ilagay ang sangig o tanglad. hanguin.

(Paalala: Kung gusto mo ng mas malasang tanglad, isahog ito pagkalagay ng kakang-gata para lumasa ng husto.

Tandaan: pag dahon ng ampalaya ang gagamitin, pagkalagay na pagkalagay sa dahon, hanguin agad at wag tatakpan ang kaldero dahil mao -over cook ang ampalaya. patay ka. mapait talaga yan lalabas. Wala ng kakain sa gulay mo. Bibili ka na uli ng ulam sa karinderya na sinabuyan ng pagkadami daming vetsin.

Ihain ng mainit na may kasamang pritong isda sa VCO. (sarap)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: