Posted by: cris | March 14, 2009

Malunggay Juice – boiling leaves and stems

Here’s a comment from Bong which I really can’t answer accurately.  I hope there is someone out there who can give him a realiable answer.  I am not a medical practitioner and I am just an ordinary person.  My answers to other inquiries on this blog are based on my experience and my readings.

Now, if there is someone out there who can answer his query, please help our reader with his question.  Thanks.

“mula nang malaman ko ang benepisyo ng malunggay,gumawa po ako ng malunggay tea pero ang proseso ko po ay pinakuluan ko po ang malunggay hanggang maging green na ang tubig saka ko po inaalis na sa apoy and then hahayaan kong lumamig saka ko ito inilalagay sa empty glass bottle at saka ko ito i-store sa refrigerator at saka ko ito iniinom araw-araw. ang malaking tanong ko po ay ito..ok lng po ba isama ko ang mga tangkay at dahon sa pagpapakulo ko ng malunggay at saka ko ito iinumin…wala po bang masamang epekto ito sa katawan ko? okay lang po ba na inumin ko ang malunggay tuwing umaga bago ko magbreakfast? absolutely,saludo ko sa MALUNGGAY…malaki ang tulong nito sa akin lalo na kapag kulang ako sa PAHINGA AT KULANG SA TULOG O PUYAT. God bless u. sana po ay matugunan nyo ang mga tanong sa isipan ko. Thank you.”

bong


Responses

  1. Bong,

    leaves are the source of fiber. you can include it in your juice as much as you like.

    drinking early morning is like eating malunggay for breakfast. nothing wrong in fact, very healthy

    • based on my own experience ok lang isama ang tangkay ng dahon the smaller tangkay lang, kesa isa isahin mo tangalin ang dahon My family including my 7 mos. old apo ay kasama sa pag inom nito, hinahalo sa kanyang infant milk the usual process instead of mineral water pinakuluang malungay 10mins para sure safe ang baby every day required ko syang mag malungay 8oz.

      • salamat sa na share mo

      • Ok lng ba kung araw2? Kailangan ba 8oz lng? Kung kada timpla ko ng gatas malunggay tea ung tubig ok lng ba un? Dba nkkasama?

      • Windell,

        Mas makabubuting maging mas maingat tayo sa mga ibinibigay natin sa mga anak natin. Iminu mungkahi ko na
        kunin mo rin ang opinion ng pediatrician mo. Salamat

  2. hi,
    its a lot better if you take in the leaves but be sure not to exceed 25 grams daily or it will cause you stomach upset.
    25 grams is more or less 3/4 cup firmly packed fresh malunggay leaves or 2 teaspoons dried malunggay leaves.

    • yes one time i was with a group of friends the owner serve us malungay juice (mallungay and calamansi) the taste was awesome and even ask for another cup problem is i think they over exceeded the malungay leaves that gave me stomach upset….but none the less it was an awesome recipe and i myself do it at home….it is indeed a wonder tree

    • Please help me im constipate for 13 years..im affraid of colon cancer i take always dolculax and a slimming tea ..but still i suffer…is it ok i drink a boiling malunggay leaves. How many cups in a dày and what is the best time to drink.thank you if you can help me…god bless

      • hot malunggay tea can be drank after eating. a cup is good. regarding constipation, not eating food with flour is a good start. eat lots of vegetables. drinking virgin coconut oil is helpful also. a glass of lukewarm water with kalamansi helps facilitate stool stool evacuation after waking up. a teaspoon of vco with your lemon water in the morning is also good, gradually increase to 1 tbsp of vco. drinking 3-5 liters of water everyday is also good.

  3. thanks for your juice recipe using the version that calls 1 c. malunggay to 1 c. water. I have been thinking ofmaking cookies and this was last year yet. I will check for more recipes.

  4. miracle tree

    • ask ko lang sau what is the benifits gets in malungay or moringga

      • check out the other posts in this blog.

  5. thnx for the resipe

  6. ask ko lng poh kung pwede pong gamitin sa investigatory project sa chemistry ung malunggay juice.tnx poh in advance..

  7. hello po sa inyo..im a newbee here, meron lang po akong tanong kung nkakatluong ba ang malunngay juice sa pag develope ng platelets?

    • marvin,

      Sorry pero di naman ako doktor. ang mga comment ko dito is based lang sa experience and readings ko. so hindi ko masasagot ang tanong mo clinically.

      pero di ba ang platelet is needed to stop bleeding? I read on the net that veggies rich in vit k is good for blood to coagulate and stop bleeding. I drink the juice of boiled camote tops (talbos ng kamote) for excessive bleeding during my periods. I told my ob-gyne about this but she did not comment. Malunggay is also green it’s up to you to try and see if it turns out okay with you.

      I hope you will update us on the result. Good luck

  8. ask ko lang po kung kapag ang process ng extraction is by boiling with water, maade-deplete or mauubos ung nutritional content nya?

    • ang alam ko cathy is dapat kapag veggies di masyado pakuluan. ang mabuti nyan is pakulo ka muna ng tubig then kapag boiling na saka mo ilagay ang malunggay. Please email me of the results of your experiment. Ty

    • Para po di mawala ung nutrients ng malungay. Magpakulo muna kyo ng tubig at pgkumukulo na saka po itambog ang malungay pkatambog nyo hinaan ang apoy at magbilang 20minuto after 20 min patayin na apoy atsaka palamigin. Ayun pwd muna inumin bgu kumain. 3 times a day isang baso. Tnx

  9. Hi Ma’am,

    Salamat po sa advise nyo, meron kasi Acute Leukemia misis ko, na chemo na din sya last week, nung nag CBC sya meron improvement sa ibang cells bukod sa platelet nya. Is there any way para tumaas pa platelet nya?

  10. Gusto ko lang share ang experience ko with my second child when he has diagnosed two years ago. sabi ng doctor mababa ang platelet count niya and we were adviced to repeat the test after 20 minutes, so sinced I was so worried to know the next result I immediately let my son drink malunggay juice and nung inulit ang test biglang tumaas ang platelet count kaya when I brought him home alternately ang pagpainom ko ng carrot juice juice and malunggay juice. And when I brought again my son for his follow up check up everything the doctor said that all is well.

    • thank you for sharing your experience irene. i’m sure someone out there would benefit from your experience.

    • Mam ask ko lng po yung carrot kung paano gngawa juice. Pinapakuluan po ba at ok ba i blender

      • Hi cynnepo

        Sorry for late reply. Yung carrot ay magagawa mong juice sa pamamagitan ng juicer. kung ibe blender mo ay okay din dahil ikaw ang madedesisyon kung sasalain mo ito o iinumin mo pati ang pulp na mabuti rin sa katawan dahil sa fiber content. may mga murang juicer sa department stores at meron din namang mahal. please check out discountjuicers.com para sa mga tips sa pagbili ng juicer na babagay sa iyong pangangailangan at budget.

        salamat

        cris

  11. hello po!!!just ask lang po if ung boiling leaves of malungay is it ok din po b sa baby k na 6 months and 4 yrs.old na daugther? thanks po and god bless.by the way im a breastfeeding mom…

    • hi girlie. sinasama namin yung malunggay sa isda at iba pa. okay naman na ipainom yung sabaw o pinaglagaan. maganda rin kung kakain ng dahon yung 4 year old mo. natutuwa ako at breastfed ang mga anak mo.

  12. hi po, pinapakuluan ko ang dahon ng malunggay, then ung pinagkuluan ang ginagamit ko sa pagtimpla ng chocholate drink ng 6 years old baby ko. may sustansya pa din kaya un?

    • oo aleli meron. may mga drinks na yung pinagpakuluan ng malunggay ang ginagamit. yun ang mabuti para sa mga babies at bata

  13. thank you po, kase napansin ko na mula nung ginawa ko iyon, nawala ung constipation ng anak ko., at naging magana siyang kumain..

    • ang galing naman. tyak na may makakabasa nito at paiinumin na nila ng malunggay juice ang anak nila, salamat aleli

      • hi po,, ,ngpbreastfeed ako dati,cguro gang 3months lng, kc humina n ung gatas ko, gang s tuluyan n nwala, 1y/o n c baby ngayon,at gusto ko p sn sy pdodoin kso wl n tlga,pg uminom b ko mg mlunggay jus, bblik ung gatas ko?

      • meyts

        puede siguro mong subukan. dapat kasi palagi mong napapasuso ang bata o kaya ay nagpapump ng dede kung sobrang lakas.
        puede kang pumunta sa health center para maturuan ka ng paraan para dumami ulit ang gatas. puede ka ring agtanong sa Ob-Gyne mo o sa pediatrician ng baby mo.

        good luck

        cris

  14. –pwede bang kainin ng buo ang puno ng malunggay.,? mataas ba ang nutrisyon na makukuha ko.,?

    • Hi paano po ba gagawin para makuha katas ng ppya na sabi nyo maganda rin to increase platelet.pls.we need ro increase d pletelet of my son who aTB patient too

  15. hi fred,

    gano ba kalaki puno niyo ng malunggay? kung maliit lang puede siguro, hehehehe.

    the leaves would be enough. di mo na kelangan kainin ang buong puno kasi pag kinain mo buong puno ngayon, bukas wala ka ng dahon. matagal tumubo ang seeds. good luck

    • nabasa ko po sa isang libro na ang katas ng dahon ng malunggay ay mabisang gamot sa galis aso, o scabies, nasubukan ko po sa anak ko.. one time po nagkaroon sya ng scabies dahil sa pagaalaga namin ng aso, sinubukan ko pong mag dikdik ng dahon ng malunggay at yun ang pinapahid ko. napakabisa nito at sana mabasa ng iba para kahit sa bahay lang ay magagamot nila ang kanilang scabies dahil ito ang madalas na sakit sa balat.

      • salamat fred sa naibahagi mong karanasan.

      • talaga mabisa b tlaga?

      • mabisa kasi yung preskong malunggay na dinikdik pampagaling ng mga sugat.

      • ganun lng po b gagawin s fresh leaves? thanks po

      • Oo

    • -thanks po..

  16. talagang mabisa ang malungay, sa ngayon madami akong pinatutuyong malungay dahil madami ang humihingi sa akin.

  17. this is my original recipe at my culinary school it is called moringa juice and it is refreshing and kids may love it put 1/2 cup of fresh malunggay leave in blender 1/4 cup fresh mint leaves,2 cup sugar syrup and juice of half of lemon blend until puree then strain in fine sieve serve in a glass full of ice,,, enjoy

  18. my wife was diagnosed to have alpha thalssemia last week. it was only discovered due to her paleness and lack of energy.

    i have been serving her with malunggay tea recently for almost 2 weeks daily.

    her lips was very pale before and we have noticed it turned pinkish lately.

    she is also taking folic acid lately and will be visiting her doctor this saturday..

    thanks and will update you soon

  19. thanks. please update us so other will learn also. Good luck

    • nakakababa ng uric acid ang malunggay?

      • mutya del mundo,

        ang pinakamaganda sa pagpapababa ng uric acid daw ay tubig. mga 4-5 litro sa isang araw, araw-araw. Paano?
        Paggising mo sa umaga ay uminom ka ng isa o dalawang baso ng tubig. sikapin mong makainom ng 4 na baso ( isang litro) ng tubig mula
        paggising mo hanggang 30 mins bago ka mag almusal. Uminom lamang ng tubig after 1 hr matapos kumain. ang natitirang 3-4 na litro ay
        i-divide mo na lang sa umaga, hapon at bago matulog.

        habang marami kang iniinom na tubig ay naitatapon din sa ihi ang uric acid. goodluck.

  20. Hello, Cristina, thanks for posting your experience! A friend told about it and I tried. So I also experienced the benefits of Malunggay…and I am always sharing to others about it and they also tried and feedback the benefits they got. My hemoglobin count never reach 10 before but when I learned that malunggay can help, I tried drinking its tea by boiling the leaves, and eat the boiled leaves afterwards. Later, I learned that even just pouring a boiling water on a cup of few malunggay leaves (1 tangkay na nahimay) will do. I did this daily for more than a year and my hemoglobin count reached 14. This time I take it only 2x or 3x a week. It really worked wonders!

    • thanks for sharing lyn

    • thank you po sa lahat ng mga information niyo about sa benefits ng malunggay sa katawam, may itatanong lang po sana ako, ok lang po bang ilaga ko ung malunggay tpos ipapalamig ko at ibabad ko ung katawan ko?

      • maganda rin yang idea mo. makakamura ka sa bleaching costs at gagaling pa ang mga problema sa balat.

  21. Hi Cristina my brother told me to drink malunggay because there so much benefit and idid research and its true. My first time i drink malunggay i notice i feel sleepy and weak why?

    • i actually don’t know the answer marilou since i did not experience the same thing. I justs drink it ang get energized after.

  22. mabisa po ba ang pinatuyonh dahon ng malungay saka ito pa kukuluan hanggang maging green ang kulay ng tubig, pwede po ba ito inomin ng 1yr old baby?

    • nenita,

      di lang siguro concentrated masyado. di ko masabi kung ano ang proportion ng tubig at pinatuyong dahon, puede kang mag trial and error. pero dahil babay kasi yan, be very careful.

      thanks

      cris

  23. 3 weeks na po akong nagboboil ng malunggay leaves. mga 10-15 mins ko po syang pinakukuluan. After po pakuluan, inaalis ko po yung dahon at pinipiga para makuha pa yung ibang katas. Tama lang po ba na pakuluan ko sya ng 10-15 mins? If not, mga ilang minutes po ang ideal para sa pagpapakulo ng leaves? tnx.

    • irene,

      mas mabuti siguro, hintayin mo muna kumulo yung tubig saka mo ilagay ang dahon ng malunggay. pakuluin mo ng minsan then tama na. ganun naman di ba pag naluluto tayo ng ulam na may malunggay o kaya dahon ng ampalaya. manipis naman ang dahon ng malunggay so tama na ang isang kulo. ok lang naman kung pigain mo pa ang dahon para di naman masayang ang juice.

      good luck

      cris

  24. hello po ok lng po ba kung pakuluan ko lang yung malunggay na dahon kasama na ung tangkay nya mahigit sampong piraso ang pinakuluan ko tapos pag kulay green na yung tubig saka ko na cya palamigin at inumin araw araw ok lang po ba itong ginagawa ko..wala po bang masamang epekto ito sa katawan

    • melchor,

      ok din naman yan. puede ding i air dry mo muna yung dahon at pag medyo tuyo na ay saka mo siya ilagay sa kumukulong tubig. pakuluan mo ng awag naman masyadong matagal. saka palamigin. puede rin namang inumin ng mainit.

      wag mo rin sanang kalimutang mag research tungkol sa oxalate ng mga green vegetables. malalaman mo na ang mga gulay na luntian ay meron nito at ito ay maari daw maging sanhi ng bato sa daluyan ng ihi ayon sa mga pag aaral. kaya mabuti rin na kung iinum tayo ng sabaw o katas ng malunggay, iinom din tayo ng maraming tubig.

      salamat

    • you’ll get more health benefits if you puree the leaves raw in a blender, mix with some amount of fresh juice and drink it. malunggay loses its nutrient when cooked.

  25. im happy to know na tama pala ginagawa ko now painumin ng malunggay ang mga anak ko at pati na rin ako to be healthy …actually 3 days ko palang nagagawa ang pagpapakulo ng malunggay..and im hoping for a very good result in our body……thanks sa mga nabasa kong info…..

  26. Hello, good day sa lahat, marami na rin ako nababasa ng nagagawang kabutihan ng malunggay, but as of this message, kakaumpisa ko palang mag try mapgpakulo ng dahon ng malunggay, asahan nyo, i will keep you updated sa pag-inom ko nito ………..

  27. san po ba dapat pakuluan yung dahon ng malunggay?sa palayok po ba?may nakapagsabi po kasi na may di magandang reaction pag sa kaserolang aluminum ito pinakuluan,

    • oo nga daw. puede din sa ceramic o sa glass katulad ng pyrex

      • masama po ba sa kaldero pinapakuluan? please confirm. nag papakulo po kc ako sa kaldero lang. ano po di magandang reaction pag s keserola lang papakuluan.

      • hi ms. grace:

        ah, meron kasing sinasabi na meron daw chemical reaction pag sa aluminyo ka nagluluto. hindi ko lang ma confirm sa iyo, pero kung ala ka namang ibang magagamit, ok na rin siguro. kung gusto mo, maghanap ka ng palayok. yung magandang palayok na pag nagluto ka, hindi kumakatas ang tubig galing sa palayok. yun ang pinakamaganda at mura pa. meron mga glass at enamel, pero mga mahal naman ang mga iyon, hindi naman para sa ating mga masa.

  28. pareho tau bong, nilalaga ko ang malunggay at dretsong iniinum yung tubig.. at nakakaramdam ako ng lakas.. lagi kc akong puyat dhil isa akong ciolcenter agent at malaki ang naituliong na boiled malunggay sakin.. o.a pro totoo.. so i dont think merong masama sa kung anu man ang ginagawa mo sa malunggay…’

  29. nice tlaga..

  30. ang ugat b ng malungay ay pwde ilaga at inumin..?pra gumanda ang pagihi ko..?

    • ang ugat ng malunggay ay sinasabing abortifacient. hindi ko alam kung babae ka o lalaki pero sinasabing ang pag gamit ng ugat ng malunggay ay may kaakibat na may mas ibayong pag iingat. subukan mo na lang ang balbas pusa. maglaga daw ng 5 dahon kasama ang bulaklak sa 3 basong tubig at inumin. nakakatulong ito daw sa paglabas ng mga bato sa daluyan ng ihi.

  31. meron ako ngayon galis aso. i cant remember kung san ko to nakuha . wala naman kameng alagang aso. cguro nahawa lang ako. bumili na ako ng gamot na inireseta saken nung doktor. pero nag dadalawang isip ako gamiten kase sabe konting tiis lang sa amoy dahel mabaho.
    nag research nga ko ng simple na gamot para dito at nakita ko nga ang site nyo. i tatry ko po yung tinadtad na malunggay leaves.
    *( ipapahid ko po ba sa buong katawan yung malunggay leaves? )
    *( yung malunggay leaves ba ee papakuluan ko paba bago dikdikin o hindi na ? )
    i send a feed back if working.

    i start to drink boild malunggay na den, kase parang napaka interesting.
    dame ko na kase beses narinig yan.

    • akapulko ang magaling na gamot yata jan. paki check ang stuartXchange site. maraming mga halamang gamot na makikita ka doon.

    • ask ko lang kung natanggal na ang galis aso mo sa malunggay..??

      • sakurachan

        dikdikin mo kaya yung dahon ng malungay then pigain, ang juice nito ang ilagay sa galis. maganda itong pangpatuyo if fresh ang galis dahil sa kakakamot. ulit-ulitin hanggang mag umpisa ng mag-scab.

        pag medyo natuyo o di na fresh ang galis, lagyan ng virgin coconut oil. mayat-maya. that means, everytime na medyo dry na ang oil, lalagyan mo na naman ng VCO. you will find this helpful, I’m sure.

  32. mainam po b ang malunggay to stop bleEding pag sobra n s regular means mu?

    • mabuti nga ilaga mo at inumin ang juice. pero mas maganda ang talbos ng kamote yung ang i boil mo. mas madali titigil ang mens if sa tingin mo ay masyado malakas at matagal ang mens. please see a doctor ob-gyne and research about endometriosis and adenomyosis(?). ang grabeng dysmenorrhea ay di normal. dapat ikonsulta sa doktor.

  33. ask q lng poh f it can help poh b ang pnaglagaan ng malunggay or ung dahon mismo ng malunggay sa pagtaas ng hemoglobin???im a kidney patient and under medication of dialysis……thanks and Godbless!!!!

    • on dialysis ka na? pag madaming green na veggies di rin maganda sa kidney. please ask your doktor mas mabibigyan ka niya payo. salamat.

  34. good day,

    A close friend of mine told me that drinking boiled malunggay leaves can help improve the sperm count of my husband. So when i got home, kumuha agad ako ng mallunggay leaves at pinagpakuluan ko ng mga 5 minuto at ininom naming dalawa ng husband ko. nilgyan ko ng konting brown sugar para naman may konting tamis. ok lang po ba yun? what is the ideal proportion of boiling maluungay leaves? mga 3 days na kaming umiinom.
    thank u po.

    • hi jenet,

      ok naman siguro yung paraan mo kasi medyo di nga maganda lasa ng malunggay. me isang politiko na di na active ngayon na nagclaim na dahil sa malunggay nagkaanak sila ng asawa niya. dahil sa dami ng sustansyang makukuha sa malunggay bumubuti ang ating pangangakatawan. kung sa proportion di ko masabi talaga. ung sakto lang siguro na mag green ang tubig. maganda rin na itali mo ang ilang dahon ng malunngay, isabit mo muna sa sampayan na di naiinitan at pag medyo nalanta na ay saka mo ilaga. nababawasan ang di magandang lasa

  35. ask ko lang ano ba ang mas masustansya fresh or dried malunggay.Marami kasi akong malunggay then i dried it up then ginawa ko siyang powder by using blender. Minsan sa mga ulam sinasama ko siya, paano ko naman siya gagawin parang tea po kung powder na siya…salamat

    • ang sabi mas mataas na ang nutrients ng powdered. pero wag kalimutan na pag natuyo na ang malunggay mas maliit na ang level ng vitamin c. kung busy tayo mabuting gumawa ng malunggay powder pero wag papatagalin. kasi dahil mano-mano lang ang pag gawa natin, maaring magkamali tayo sa pag papatuyo at amagin ang powder na di natin napapansin. kung gagawa ng malunggay powder at di pa masyadong bihasa mabuting gumawa lamang ng para sa ilang araw. dahil ang amag ay makasasama din. kailangan din istrikto tayo sa kalinisan dahil kakainin ng ating pamilya.

      may mga dapat ding tandaan kung papaano iimbak ang malunggay powder. di dapat ilagay sa maiinitan ng araw, o malapit sa lutuan. mas mabuti ilagay sa garapon at ilagay sa ref. kung magabago ang kulay ng powder at di na berde, mabuting di na ito gamitin ng tao pero maaaring ilagay sa inumin ng mga hayop, lalo na manok, o ibabad sa tubig na pangdilig sa mga halaman.

  36. good day ask ko lng kng ayos lng ba sa ng didialysis ang uminom ng malunggay juice, nkakataas ba yun ng hemoglobin? kc monthly ngsasalin ng dugo ung pinsan ko dhil bumababa hemoglobin nya, eh syempre di nman sa lahat ng oras my hawak cyang pera, kya ngtatanong sna kng meron herbal n nkakadagdag ng hemoglobin… salamat po, sana sa may alam,pki share nman po….

    • okay

  37. tanong ko lang po kung walanmg masamang dudulot sa bato ko ang ginagawa kung pag dikdik ng sariwang dahon ng malunggay atypinipiga ko ang katas nya ini inum ko po ng puro kc mas mabisa daw po kung sariwa ang malunggay

    • masama ang maraming green vegetables sa bato. may oxalate kasi ang green vegetables. puedeng kang magtsaa using air dried malunggay pero siguro isang tasa (hundi mug). yung pinakamaliit na tasa siguro.

      yung oxalic acid causes kidney stones. kaya sa lahat ng bagay dapat moderation pa rin,

  38. gud day!,.ask ko lang po kung pwideng inumin ang malunggay juice sa may reflux gastritis,.salamat po

    • siguro dun ka una sa air dry na malunggay tapos boil water pag nag boil na, saka ilagay malunggay taos off na ang stove.

      masyado matapang ang fresh malunggay. kung may bleeding, ok naman ang dried malunggay kasi nakakatulong sa pagstop ng bleeding. malunggay has vit k .

  39. I have gastric ulcer & I noticed that everytime I drink malunggay juice, medyo umaasim ang sikmura ko. Hindi kaya madumi ang malunggay if I will air dry it without washing> Siguro naman mawawala ang bacteria after pitting it in a boiling water/ How many minutes shall I boil it?

    • you have to wash the malunggay thoroughly before air drying or before you use it for any purpose. after harvest, shake the leaves, then carefully inspect the leaves if there are dirst and other foreign materials. wash it three times in flowing water then shake again to remove excess water. then you may either juice it fresh or air dry.

      regarding stomach acidity, try to drink malunggay juice 30 mins after eating. this might reduce acidity.

      boil the water first then put malunggay and remove from fire.

  40. hi po gud day….
    ask lang po kung ok ang fresh malunggay boiled for uti??
    1week plang ako start uminom…fresh leaves i boiled 2hrs ok lang b ayun??/
    thanks in advance

    • hi benjie. My assumption is that you were diagnosed for uti for about a week now and because of that you should have taken 1 wk course of antibiotics. I also presume you’re feeling so much better now than last week. it’s okay to drink boiled malunggay but boiling it for two hrs is too much. you don’t have to sterilize the leaves that much. what you do is make sure to inspect the leaves well for dirt and insects then wash thoroughly. You may or may not remove the leaves from the stem.. Boil the water as much as you want to sterilize it and then put malunggay. Then turn off the stove. you may keep the pot covered for a few minutes before you drink the juice.

      Good luck.

    • it’s not that I’m saying magaling sa uti ang malunggay. pero if you decide to drink it, don’t boil it for two hours. Boil water then put malunggay leaves. AFter about 1-2 mins it will boil again, depende sa dami ng malunggay. just wait for it to boil again then turn off the stove.

      Pero ito ay kung alam mong malinis ang malunggay. yung galing ang dahon sa garden niyo o sa kapitbahay. kung galing sa palengke, yun wag na lang. kasi pag matagal mong pakukuluan ang malunggay para ma sterilize yung iinumin mo, baka naman walang maiwan na sustansiya dahil pinatay na ng init.

      • ano po ba ang tamang proseso sa pagpapakulo ng malunggay para po makuha talaga ang sustansya nito?

      • Di koalam kung gaano karaming nutrients ang nawawala pag napakuluan na ang malunggay. Pero ang paraan ko ay pakukuluin ko muna yung tubig saka ko ilalagay ang dahon. pag kulo uli. off ang stove agad.

      • sa pagluluto ng gulay, mas madali mo siyang i expose sa init, mas maganda. eating raw fruits and vegetables is better, though.

        unahin mo muna pakuluan yung tubig, kung di na kailangan i sterilize ang tubig at tama na ang haba ng pagpapakulo, ilagay mo na ang malunggay. ilubog sa tubig at takpan. pagkulo uli ng tubig, ay patayin na ang apoy. hayaan mo muna siyang kumatas at puede mo na siyang inumin matapos ang 5-10 minuto.

  41. good day, tanong ko lang po kung pwede po bang painumin ang 4 months baby ko ng malunggay sakitin po kasi sya at may asthma? thank you po….

    • importante po mommy e itanong po natin sa pediatrician ng bata. mahirap po kasing mag eksperimento dahil ang bata naman ay hindi makakapagsabi kung ano ang epekto sa kanya. siguro po ay magandang palagi na lang tayong magluto ng ulam na may sabaw na puedeng haluan ng malunggay. at painumin ng sabaw si baby at pakainin ng gulay.

  42. is it okay lang po ba to drink malunggay before bedtime?when is the best time to drink it?

    • ako, before bed time talaga ako umiinom ng malunggay leaves juice… sarap ng tulog ko niyan..

  43. hello gud evening….my creatinine is high….cud drinking boiled malunggay leaves lower my creatinine?

    • Jun,

      sorry ha? I’m not a doctor so i can;t say anything about that.

  44. Masabi talaga ang malungay lalo na ung fresh ang gawin mu kuha ka ng dah0n ng malungay at ito ay dikdikin mu tska mu pigain at inumin masmaganda ung pure na katas nya kaisa sa pinakuluan..

  45. ,,,,,ma’am pedeng humingi ng 2long sau,,,,

  46. ……ask q lng qng me recipe ksa wine………& qng pedeng gwing wine ang calamansi…,

    • hi raymond,

      pls read this article and see if you can produce a good wine using these procedures. Good luck!

      http://www.pinoybisnes.com/agri-business/fruit-wine-making/

      • Hi po Mam Cristina,
        paano po ba gumawa ng dinikdik na malunggay ung dried na sya para po maihalo ko sa milk ng 2 year old baby ko di kasi sya kumakain at milk lang ang tanggap ng panlasa nya.

        Thank you po and More Power! sana madami maka discover nitong blog nyo…

      • hi connie, kung dried na siya at malutong na, puede mo na siyang i blender. meron blender na may dry mill. o kaya kung gusto mo dagdagan ng tubig, sa wet mill ng blender then, salain mo na lang ang katas para masama sa gatas ni babay.

        pero kung baby pa siya, mas mabuti siguro na yung tubig ng pinakuluang dahon ng malunggay na lang ang gamitin mo para sterilized na.

  47. hi effective pa rin ba ang malunggay powder..my mum used to dry them…..pagkatapos isasangag nya ng konti pra mawala raw ung bacteria pagkatapos dinidikdik nyaito hnggang mging powder tapos iyon ang iniiniom nya everyday two 2 teaspoon of powder with 1 cup of hot milk…thanks

    • effective pa rin yan. don’t worry.

  48. My mother (67 yrs old), my son(3yrs old) & me (40yrs old), we’ve been drinking boiled malunggay every morning (3-4x a week) since 2010. here are the benefits we got:
    1. it cured my mother’s ” rayuma s panga” b4 when she eats 1 spoon of ice cream at 5 butil ng boybawang, her jaw swells.. now she eats pint of ice cream & 1 big pack of boybawang…
    2. my son started drinking it @ 3mos… 4oz a day w/ sugar… di sya sipunin at sakitin… payat sya tingnan pero pg binuhat sya 1reaction nila “ang bigat bigat nmn pl ni jL.” &he’s tall for his age. (bec malunggay is vry rich in calcium).
    3. it cured my allergic rhinitis.. b4 few dust cn mke my nose red, dripping, sneezing.. i cn feel that it improves my sperm count… it gives me more power when i workout @. d gym, & i cn run more kilometers thn b4

    • Salamat sa pag share

    • hi ms lovell, my allergic rhinitis dn po aq dumating na po ba sa point n nangati na ung tenga m and eye?dami na q na try n bgay ng ent dok q pro bumabalik ln dn .. nkatulong po ba ng malaki ang dahon ng malunggay mawala po un allergic rhinitis m po?ano mararamdaman pg ng take po ng dahon ng malunggay n pinakuluan? is it ok ln po ba lagyan ng gatas and sugar sa tuwing inumin ko po un?thanks po ng marami sa mging feedback po..Godbless

      • E kung walang gatas ok lang ba sa yo tere? Inom ka rin maraming tubig 2 to 3 liters a day, i divide ko lang mula pagkahising hanggang matulog. Start with 1.5liter hanggang mag 3l a day.

      • ah cge po gagawin ko po un ..marami pong salamat sa info.Godbless po

  49. salamat poh sa mga info..

  50. Hi cristina yung po bang pinakuluan na dahon ay ok po bang inumin yan. Sumasakit kasi yung labasan ng dumi ko kaya naisipan kung uminun ng malunggay leaves na pinakuluan ko hangang sa dumilaw na yung kulay ng tubig tapos ilagay ko sa buti at inienum ko every morning and afternoon. Maayos naman sya dahil hindi na sumasakit yung labasan ng dumi since uminom ako ng ng malunggay leaves. Need your advice please.

    • Pasensya na pero magtatanong ako sa iyo kung almoranas ba yan. if almoranas, mas mabuting kumain ng maraming gulay at prutas lalo na kung hilaw.

      pero kung hindi naman, mas mabuting mag pa check up ka sa isang internist kasi baka naman may obstruction o bara sa daanan ng dumi. makabubuti talagang magpunta sa doktor

      • ok ln nmn po kahit walang gatas pero kng sakali po pde un un nln po pero kng less po makukuha benefits e dun nln po aq sa puro nln pra sure. thank u po ms crs sa response gobless po ulit

  51. Hello po, i just want to share my style of making malunggay juice. Dinudurog or binabayo ko lng po sya sa almeres and i squeeze it and ihahalo ko lng po s i glass of water and yon pwede na syang inumin.

    • oo tama yan.simple at madali, wala pang gastos sa koryente. salamat sa idea

  52. Ask lng po aku,
    pgnagmalunggay juice nilagyan ba ng sugar or hindi na?

    • bryan, depende lang yan sa iyo kung gusto mo ng matamis.

  53. hello po, ask ko lang po sana kung ok lang na pinakuluan ko muna ung malunggay ska pinalamig at binabad ko sa part ng gatawan ko? mapapawala ba nito ung scabies?

    • scabies ba? maganda rin siguro. makakatulong din na pagkatapos mong maligo ay lalagyan ng Virgin coconut oil ang apektadong parte ng katawan. kung matuyo na ang oilay lagyan uli.

      ang virgin coconut oil ay mabuting magpagaling ng mga sakit sa balat

  54. malunggay ba is good for preventing breast cancer ?

    • madami kasi siyang nutrients. ang importante naman kasi sa paglaban sa sakit na ito ay palakasin ang ating immune system.

  55. hi mam,

    ako kase may uti mabisang ba itong inumin pinakuluan yung malungay para sa may uti

    • uti? ang buko ay mabuting gamot sa uti. kung malunggay, dahil madami siyang nutrients, pinalalakas din nito ang katawan mo at malalabanan ng katawan mo ang mga impeksyon na aatake.

  56. is it okey to refrigerate the remaining boiling malunggay for later consumption??? always busy kasi kaya sometimes parang di n makapagboil ng malungay… tanx

    • hi nex! the longest I did is save it for next day’s use. however, i never tried to put it in the freezer. maybe it will last longer if you place it there

  57. could malunggay provide enough vitamins needed by our body daily??? coz sometimes we must admit many of us eat unhealthy foods just to survive the day..noodles,,can goods… tnx

    • I believe so. malunggay has plenty of nutrients. however, the question is how much of these nutrients are retained after we process and preserve it.
      Nevertheless, it is still good to have malunggay than not having any vegetables at all. if time is your problem re preparing it, maybe you can use
      malunggay powder because you can take it anytime, anywhere.

      you can add it to your drinking water, hot water, coffee, milk or any liquid you’re going to drink.

  58. hi gud pm, ask ko lang po sana of safe ihalo ang malunggay shake sa gatas ng baby ko bale 1 year old, and mag 3 months na sya? sakitin po kc baby ko last month na admin sya dahil nagkaraon sya ng pheumonia with ashma?

    • Kelly,

      malunggay shake, ay preskong malunggay. Baka mahirap yun kasi bata pa siya.
      kung ganyan na galing siya sa sakit, mas makakabuti siguro na palagi mo na lang siyang pakainin ng mga
      preskong ibat-ibang gulay, katulad ng malunggay. Totoo na maganda sa katawan ang malunggay, pero, kailangan maingat din tayo sa paghahanda nito.
      siguraduhin mo lang na maayos ang pagkakakulo ng tubig at malinis ang malunggay na ihahalo. kung minsan kasi, hindi natin nahuhugasan mabuti ang
      dahon. saka, busisiin din kung wala bang mga insects o ibang dumi ang dahon para sigurado, bago hugasan ng mabuti. paki discuss din sa pedia mo ang balak
      mo na gumamit ng tubig ng malunggay.

      kung may asthma ang anak mo, meron din triggering factor yun. sana ay ma identify mo kung saan siya me allergy. di lang sa kapaligiran, kundi pati sa pagkain.

      good luck kelly

  59. sa ngayun po kc pinapakuluan ko yung dahon ng malunggay tapus yun na ung pinakatubig ng gatas nya wala po bang masamang effect un sa baby ko?

    • hi kelly,

      nung maliliit pa yung mga anak ko, 30 minutes ko pinakukuluan yung tubig para sa inumin at milk nila. di naman over masyado (heheh). kung sa malunggay
      kung gusto mo talaga na yun ang gamitin mo, dapat siguro pakuluan mo ng matagal tagal yung tubig then, pag nalagay mo na yung malunggay,
      di na puede yung sinasabi ko na paglagay sa dahon, pakuluin ng minsan then patayin na ang apoy at i-simmer na lang sa kaldero ang malunggay.
      Baby kasi yung pinag uusapan, kaya mas maganda, mas maingat tayo. Payo ko na lang sa yo, i discuss mo rin sa pedia mo kasi, siguradong may maiaambag siyang
      kalaman para sa bagay na ito.

  60. thank you so much ate ceistina, bale pala nung thursday check up ng baby ko sa pedia nya na ask ko nga if pwede ung katas ng malunggay ang pinaka tubig para sa gatas ng anak ko. yes ok lang daw po kc herbal naman un ask ko dn po sana sainyu ulit if pwede ung talbos ng kamote ang ilalaga ko naman para un namano sana halo ko sa milk ng bay ko?

    • kung malaking tao okay agad ako pero baby kasi kaya ingat ingat lang tayo. anumang mabuti ay puedeng makasama kung sobra.
      makabubuting itanong uli sa pedia para makasiguro. salamat

    • ask ko lang po kung ilang buwan/taon na yung baby mo? kc 7 months pregnant ako, plan ko kc na yung katas din ng malungay na milk yung ippainom k sa baby ko pag 2 or 3months na sya.. salamat po

  61. I am currently having problem with my hemoglobin coz even after blood transfussion mt hgb count never reached 12. i I have read all the posts and i am thinking of trying out boiled malunggay leaves too, Cris’s post inspires me to give it a try before my ferritin tibc and blood smear sched.

    • i am not a doctor but i think it is best to tackle the root cause of why your hemoglobin is low. you’re doctor is the best
      source of information as to your actual diagnosis. from there, you will best know how to resolve the problem. Thanks.

    • goodluck Ruth

  62. Just want to ask if how many glass of water you can drink a day of boiled malungay?

    I’m drinking daily one liter of boiled malunggay including tanlad and pandan leaves.

    Then after a week i noticed, i’m urinating freguently. I’m already allergy on this. Because of low sodium i have experienced. Then after noticing that, i did my sodium test, and it’s below the normal range. I’ve got 131 the normal range is 137-145. I’m alkergy to deuretic medicine. And i’ve noticef thru google that malunggay & tanlad are deuretic.

    My question now is, how many glass of boiled malunggay is allowable per day.?

    Anybody who can answer this?

    Thanks!

    • hi navie,

      please read the replies/comments on this post and other posts in my blog. I’ve noticed that some people drink as much as 1 liter a day of boiled malunggay leaves. But I don’t really recommend that. as i mentioned in my other comments green vegetables, including malunggay is a source of oxalic acid. oxalates in high concentration is bad for the body. they cause stones which may get lodged in kidneys and bladders (maybe also in our stomachs). Please remember that even a good thing if too much may end up bad. I believe that vegetables are good if we eat a variety and not just focus on one kind.

      I recommend that each of us try other vegetables. I think balance and variety is a good description. You may even try taking raw vegetable juice like pipino, cabbage, mixed with alugbati, kangkong leaves, ampalaya fruit and leaves (but again don’t overdo them as they are beneficial but bad if in too much quantity)

      My morning ritual is drinking 3 kalamansi in lukewarm water. then drink a mixture of fresh juice and vegetables. what ever is available. pipino (cucumber) is a regular, then I add apple, banana or papaya (for my son who has special needs). For me pipino, plus any available fruit, then a mixture of a few herba buena leaves, basil leaves, ampalaya, kangkong, spinach, alugbati (whatever is available in my container garden here in the city) and ginger, turmeric (all planted by me).

      from time to time, I prepare boiled malunggay leaves, or boiled camote leaves, or boiled ginger or bpoiled turmeric, which I drink in the afternoon to night time. Although I also have tanglad, and pandan, i haven’t tried boiling and drinking them. But they sure are regulars in our meals.

  63. tama po ba na nagpapakulo ako ng tubig kasabay nung malungay pinakukuluan ko ng matagal hanggang sa tingin ko ay nakatas ng mabuti un malunggay pag lamig ay nilalagay ko sa isang pitchel bago ilalagay sa refrigerator. Kung minsan ay 4 glass a day kung uminom ako at inaabot ng 4 days bago ko maubos un pinakuluan ko malungay tama po ba un procedure na ginagawa ko pati ang paginom ng 4 na baso a day. Ilang araw po ba bago masira ang pinakuluan malungay sa ref. Mga gaano po bang karami malungay leaves at ilang basong tubig dapat pag nagpakulo?

    • Reynaldo,

      Sana naman ay ganito karami ang iniinom mo dahil kailangan mo for a certain period. Pero wag naman pangmatagalan. makakasama ang mag concentrate ka sa malunggay lamang dahil ang mga gulay ay maaaring maging sanhi ng pag develop ng stones. Pakibasa ang reply ko sa ibang nag comment.

      Isa pa, para sa akin ay sobrang tagal naman ng pagpapakulo mo. pakuluin ang tubig at ilagay ang malunggay. pakuluin uli at patayin ang apoy. habang nagtatagal ang pagluluto sa gulay ay nawawala na rin ang sustansiya. Maraming nagsasabi na mas magandang kainin ang gulay na hilaw.

      Sa tagal sa refrigerator, di ko pa nasubukan na patagalin ng 4 araw ang malunggay juice. nag iiba na ang kulay after 2 days. nagiging brown, at di ko na iniinom. Sa ngayon, kung ano lang ang naapakuluan ko sa isang araw ay inuubos sa araw na iyon. di ko na pinatutulog sa ref ang malunggay.

      sa kung gaano kadami, ang aking ginagawa ay 10-16 na dahon (yung nakadikit sa sanga) ay inihahalo sa 1-1 1/2 litrong tubig. Hindi ko alam kung anong dami talaga ang tama.

  64. ask ko lang if ok to drink malungay with hot water just like coffee…hindi pinakuluan…thanks

    • fresh or dried okay lang inumin

    • camzs ako yong very hot water lang buhos ko sa washed malungay,, my naeextract narin yon na vitamins, at least,, kasi yon ans easiest,, ky super busy man ako,, bali dinidistribute ko yon sa bootle ng mga babies ko… 1 glass per day,, 2 na sila dyan… at least lang my narereciv na nutrients yong mga bata. ako din nilalagyan ko ng coffee para di ko mapansin yong lasa… maka inom ka kahit half a glass maganda na energy mo nyan,,

  65. hi im borj pinapainum ko ng malugay juice ang aking 8 months old baby and she loves it ..tanung ko lang po kung d po ba magiging tea ang malungay kung biboil po ito and i know na ang tea ay nakakapagpanipis ng bituka …

    • borj wag lang sosobra painum sa bata ng malunggay juice ha. maski anong mabuti pag sobra ay nakasasama. fresh malunggay juice o boiled malunggay wag nating sosobrahan ang inom, para bata man o matanda

  66. hi poh,,im mhay,,,i just want to know po if malaki po ba ang naitutulong ng ang paginum ng boiled malunggay leaves sa liver?,,,does it helps to prevent liver cancer?…thanks po…

    • sorry ha wala akong study na nabasa tungkol diyan

  67. I heard to many good feedbacks about Malunggay…so i tried it, boiling leaves and then papalamigin ko..i have rheumatic heart,i was diagnosed when i was pregnant, also i have bad migraines..2 days palang ako umiinom 3 times a day.. i hope it will help me restore my good health..i will share the results soon..

  68. Tanong ko lang po hindi po ako makatulog sa gabi simula mg uminom ako ng malunggay tea. 5 times a day po ako umiinom at kinakaiin ko po dahon. May epekto po kaya eto dahil di ako makatulog sa gabi?

    • Ok lang po ba uminom ng malunggay tea before bed time?

    • maganda. sa akin mas maayos ang eliminarion in the morning if makainom ng malunggay tea before bedtime and in the morning

  69. may hepa b po fathers ko…umiinum ng boiled malungay…ok lng po ba?salamat

    • hindi ko alam kung yun ang gamot sa hepa pero to improe his immune system/overall health makakatulong ang malunggay

  70. base po sa aking nabasa sa isang site na ang malunggay po ay nakakatulong upang controlin ang pagg develop ng HIV…. ksys po itong tinawag na miracle tree dahil sa dami ng benefits nito sa ating kalusugan….

    im glad kasi accidentally kong nakita ang site na ito ni cris…. nakakatuwa po na marami ang nahuhumaling sa malunggay… marmaing salamat po…

    • Hi Mam Cris,ask q lng po sana f pwede sa 2 yrs old baby q ung katas ng malunggay bali po kc gnagawa q binabanlian q lng ng mainit na tubig ung dahon ng malunggay then ska q pipigain at ung pinakakatas nya un ang pinapainom q sa anak q.d po ba masama un lalo na my asthma po sya?? then aq dn po sana gusto q rin mag try kaya lang preggy po q thanks po!!!

  71. hi! im giving my 11 month daughter steamed leaves of malunggay, hinahalo ko siya sa kanin nya, 2 times a day. okay lang po ba yun?

    • madz

      puede ba once a day na lang at sa ibang meals niya ay ibang gulay naman. mas makakabuti na ibat ibang nutrients ay makuha niya sa ibat ibang gulay.
      makakatulong din ito na masanay ang dila at panlasa niya sa ibat ibang texture at lasa ng sari-saring gulay.

      cris

  72. madam,
    baka may advise ka o ang iba pa experts kung paano mabe-bleach o mapapaputi ang malunggay powder, o leave nito before i-powder? salamat po!

    • amy

      ang malunggay kung gagawing nating pulbos ay di natin maaaring iexpose sa sobrang init na temperature dahil ayon sa mga nabasa ko ay nababawasan ang sustansiya nito. kung ibi bleach mo, baka wala ng maiwan na sustansya sa powder na ginawa mo. bukod doon ay gagamit ka ng chemicals para mapaputi ang isang bagay, di ba makasasama sa ating katawan iyon? pasensya na sa pagiging straight ng sagot ko

  73. gud pm cris. may nabasa kasi ako na mas madami dw nutrients ang dried kesa sa fresh leaves ng malunggay. ikaw ba ano ang ginagawa mo tea fresh or dried?? im joseph. tnx mam….

    • joseph

      pareho kong ginagawa yan. di na nga lang madalas ngayon dahil ang madalas kong inumin sa mga panahong ito ay luyang dilaw na pinakuluan.

      masasabing mas maraming nutrients ang malunggay powder dahil sa isang kilong fresh na malunggay mga 400g lang ang magagawa mong powder. concentrated na kasi siya
      kaya sinasabing mas madaming nutrients. pero mas madaling gawin ang fresh juice o pinakuluanng dahon. kung gusto mo, i air dry mo muna ang dahon saka mo ilagay sa boiling water. meron ka ng maiinom. pero kung mainit ang panahon at marami kng time, puede mong gawin powder ang malunggay at madadala mo at maiinom kahit saan.

      cris

  74. This is my first time making malunggay shake paired with carrots and im so regreting making this, it taste nasty like im going to throw up. Usually i make carrot shakes with banana or carrots alone the banana serves as sweetener. Now i dont know what im going to do with the skake i made, nobody wants it.

    • just add a little bit of malunggay leaves so it wont taste as bad. you may also add apple or banana to sweeten the juice

  75. ask ko lang po kung malaking tulong din po ang malunggay to prevent diabetes.. recently po kasi.. i experienced na umihi palagi tas tuyong tuyo po yung lalamunan ko..eh nalaman ko po na isa yun sa signs ng diabetes.. makakatulong po kaya ang pinakuluaang malunggay?.. umiinom na rin po ako nito bago ko pa po maexperience yun palaging pag pee at pagkauhaw..pero di regular. masyado..

    ang ginagawa ko po sa malunggay leaves is magpapakulo ako ng tubig tapos pag magboil na ipopour ko sa isang tasa na may fresh clean malunggay leaves… tas aantayin kong lumamig ng kunti tsaka ko po iinumin.. ok lang po ba yun? daily ko na po sana syang gagawin ngayon… morning and before bedtime…

    • ok naman yun anne. saka, drink 4-5 liters of water. refrain from eating sweets also

  76. 18 years old pa lang po ako is it possible na magkadiabetes ako … and kaya pa kaya itong maprevent by taking malunggay daily?

    • let’s stop taking food with sugar.

  77. Ask ko lang po if may nabasa na po ba kayong research about malunggay na nagpapataas ng platelet count,? balak ko po sana kasing gamitin as reasearch topic ko sa school,
    thanks

  78. hi ask ko lng po kung wla po ba masamang epekto kung mag take sya ng pinagpakuluan ng dahon ng malunggay ung nanay ko ..mataas daw kc ang LDL o bad colesterol.

  79. ok lang po ba ang uminom ng katas ng malunggay araw araw? at gaano kadami ang pwedeng inumin?

  80. Tanung ko lang po kapag nagpakulo po b ng malunggay pwde po b sa mga naghihigh blood po tska sa mga acidic. Ksi may time na high blood po ako tska acidic po ako tska mdalas sumakit yung dibdib ko

    • jinky

      okay lang naman ang malunggay sa may high blood. kung acidic ka, kung makakaya mo ay iwasan ang matatamis, kasama na ang produktong ginawa galing sa harina.
      kung kaya mo pa rin ay iwasan ang mga softdrinks, alak at kape. iwasan din ang palaging pagkain ng karne at dalasan ang pagkain ng gulay. Nalalaman kong
      mahirap gawin yan dahil sa ito ang mga madaling maihandang pagkain sa panahong ito. Pero maari mong umpisahan na lang sa pag inom ng mas maraming tubig (3-5 liters/day) at iwasan ang iba pa. Dahan dahanin mo lang ang transisyon.

      Sa pagsakit ng dibdib mo, dapat ay komunsulta ka sa doktor. walang ibang makakapagbigay ng saktong opinyon kung hindi ang doktor mo. maaring irefer ka niya sa ibang doktor na espesyalista. sana ay nagawa mo na iyan. ipagpaumanhin mo ang tagal ng pagsagot ko sa tanong mo.

      salamat

      cris

  81. Dagdag ko lang po pwede po b yung malunggay juice sa mga d nereregla. Ksi mtagal n po akong d nereregla. Tska pwede rin po b yung malunggay juice sa mga kamay na parang may artritis na minsan d maigalaw

    • jinky kung mamarapatin mo, ang payo ko ay. magpatingin ka muna sa doktor. tungkol sa walang regla, baka may hormonal balance ka. pero doktor lang ang makaka confirm nyan. dahil din highblood at acidic ka, plus sumasakit dibdib mo, kailangan talagang may doctor’s evaluation.

  82. Mam ask ko lang po sana kung ok na inumin ng hilaw at binilender po ang carrots na may halong malunngay leaves

    • Nyc

      Okay lang. Ginagawa ko rin yan

      cris

  83. hellow mabisa talaga ang malunggay un anak ko my hika madalas antiobiotc saka sabutamol gamot halos nd na makatayo lagi nakahiga sinubukan ko mag pakulo ng malunggay isang baso malunggay sabay sabutamol tuwing six hours nakatayo agad anak ko naglaro na nd na bumalik hika nya.. hayan malaki na sya ngaun…..hindi kona naririnig ubo nya sa hika nya wala na…..

  84. Hi..Pwede ba ang pinakuluang malunggay sa may gallbladder stones at gout?salamat..

    • papuh

      yung sobrang dami ng green vegetables nakaka cause ng kidney stones. kaya dapat ibalanse din natin ng ating mga gulay na kinakain. kumain tayo ng puti,
      pula, berde, violet, orange, blue at iba pang kulay kasama ang itim na color ng prutas tulad ng duhat. kung may stones na sa gall bladder mas makakabuting
      sundin ang payo ng doktor para sa ating ikabubuti at kumain ng ibat ibang klaseng natural na pagkain

      salamat

      cris

  85. May uti po ako pwede rin po ba gamot ang malunggay juice.tnx po

    • melody,

      ang maganda sa uti ay sabaw ng buko.

      makabubuting uminom ka ng 4-5 liters ng tubig araw-araw habang me me sakit ka. kung wala na, puede na ang 3-4 liters ng tubig.
      umpisahan mo ng 1 baso pag gising mo, at 1 baso every 15 mins kung kaya mo hanggang 30 mins bago ka mag almusal. makakainom ka ng 1 litrong tubig before breakfast. uminom ka uli ng tubig after 1 hour ng pagkain. sa umaga ay uminom ka ng 1.5liters before lunch at sa hapon ay ganun din. i spread out mo lang ang ang pag inom mo like every 30 mins.

      Sundin mo rin ang doktor mo na inumin ang anti-biotics sa saktong dami ng araw.
      salamat

      cris

  86. Saka anu po gamot sa hipa kc may hipa po ang 7 yrs old kong anak

    • melody

      may ibat ibang klase ng hepatitis kung iyon ang gusto mong malaman. ang doktor ng anak mo ang makakasagot kung ano ang pinaka mabuting gamot para sa klase ng hepatitis na mayroon ang anak mo.

      cris

  87. Ask ko lang po hindi po b masama na gamitin ang malunggay sa 1yr olm na baby, ang ginagawa ko po pinapakuluan ko po yung malunggay at yung tubig na yun ang ginagamit ko para sa tubig ng gatas nya,salamat sa reply

    • madel,

      para sa akin kung hindi naman madalas ay maaari naman gamitin na tubig sa gatas ang katas ng malunggay. Pero katulad ng parati kong sinasabi, hindi komo mabuti sa katawan natin ay atin naman sosobrahan. ang mga gulay na mga berde ay may oxalates na nagigiging sanhi ng bato sa kidney. hindi ko alam kung gaano karami ang sakto at kung gaano karami ang sobra lalo na para sa bata. maaring humingi ka ng propesyonal na opinyon ng pediatrician ng anak mo tungkol sa bagay na iyan.

      ang malunggay ay mabuti sa katawan pero isaalang alang din nating ang kahit anong mabuti, kung sobra ay nakasasama.

      salamat

      cris

  88. hello po, ako rin ay nag papakulo ng mga dahon at tangkay ng malungay at ginagawa kong tubig ang tea nito. Wala namang masama sa katawan ang tangkay nito katunayan lahat ng parte ng malungay ay mayaman s vitamina.

    • Loel,

      oo di masama yung tangkay. May nabasa ako dati na halos pareho lang daw ng sustansiya ang tangkay at dahon.

  89. can you pls help me.nahihirapan npo ako dhil constipated po ako.pnu po b mkakatulong skin ang mlunggay?

    • idadag ko lng po…bukod po sa consipated po ako.acidic din po ako.pnu po b gagawin ko pra mktulong ski ang malunggay.?

      • Lea,

        Acidic ka rin pala. So dapat iwasan mo talaga ang mga karne, produktong gawa sa harina pati na ang mga pagkaing may asukal.
        uminom ka ng maraming tubig katulad ng sinabi ko kay Mutya del mundo. sana ay may maitulong ito sa iyo.

    • Lea,

      kung emergency na ay gumamit ka ng suppository siguro. pero yan ay minsan lang na dapat mong gawin. huwag na gawing ugali ang pag inom ng
      tableta o paglalagay ng suppository para madumi. pagsikapan mo na makainom ka ng 3-5 liters ng tubig araw-araw. kumain din ng mga gulay
      na madahon/fibrous. ang malunggay ay makakatulong sa iyo dahil ito ay may fiber na maglilinis ng tyan mo. Makabubuti ding huwag masyadong
      kumain ng karne/isda at mga produktong may harina. Ang karne ay matagal gilingin sa tiyan at ang harina ay nagiging paste-like pagdating sa bituka.

  90. dulculax is not good for colon avoid mo un try to drink 2GLASS of water pag kagicing sa umaga sabayan u ng 2saging very effective un.

  91. Hello po, Mam Cris. I would like to ask kung papano po tatagal ang shelf life ng malunggay leaves sa loob ng refrigerator? Thanks po.

    • Junelyn Layon,

      kung presko ang dahon kasama ang tangkay ay ilagay mo sa isang cellophane at ilagay sa vegetable crisper.
      O kaya ay himayin mo na muna ang dahon saka ilagay sa isang container at ilagay sa vegetable crisper ng refrigerator.

      kung powder naman ay gumamit ng dalawang garapon. kumuha ka ng sapat lamang para sa isa o dalawang araw na iinumin mo
      at ilagay sa ref ang original container. yung inilipat mo ang maaring ilagay mo sa kusina na siyang iinumin mo. makabubuti
      ring ang malunggay powder ay di ilagay sa lugar na maiinitan o masisinagan ng araw.

  92. Good evening po..ask ko lng if pwede po bang ung ginawang malunggay juice eh ilagay sa ref muna den kung gusto uminom ng warm haluan na lng xa ng mainit na tubig?

    • Ling sarmiento barrameda

      puede naman siguro. wag mo lang masyadong patatagalin sa ref at baka mapanis.

      • Hello po. Ask ko lang po if may lasa ba ang Malunggay pag napakuluan? Plano ko sana na gawing tubig yung napakuluan na para sa milk ng anak ko. Iniisip ko lang baka maging mapakla ang lasa. Thanks.

      • try mo muna dyanne magpakulo ng malunggay para mas accurate ang opinion. Sa akin ok naman ang lasa pero baka sa iba e matapang ang dating

      • Hello po. Natry ko na po. Di naman gaano matapang ang lasa. Or maybe di ko lamg matancha kung gaano karaming dahon or water. Mahalaga sakin, makatasan lang yung tubig na gagamitin ko para sa gatas ng 3yo kong anak. Sakitin kasi sya, di kasi kumakaen ng tama. At sana matagal ko na itong ginawa. Salamat sa blog ninyo. Daming natutulungan. 🙂

      • salamat.

  93. Ilan kutsara po ba ng dahon ng malunggay sa isang baso ng tubig at ilang baso lng ang pedeng inumin sa isang araw?
    bka po kasi minsan sumosobra at alam natin na masama ang sobra

    • di ko masabi donovan. tantya din ang gamit ko. if i think na ilang araw na akong nag mamalunggay, luyang dilaw naman ang iniinom ko

  94. ok lng po ba haluan ng milo ang malunggay tea

    • ok naman. puede din sa kape para sa malalaki na

  95. magandang umaga po ako po ay may pamangkin na may sakit na acute myeloid leukemia.. nsa sa ospital sya 13 days na halos bumababa na ang platelet nya na 14 .. halos wala na kaming makunan ng platelet concetrate tama po ba ang pinakakain namin sa kanya para makatulong ito..talbos ng kamote at malunggay.. nilalaga ko at blender para makain nya ito pinipiga ko at un ang pinaiinom ko.. sana po matulungn nyo ako kung tama po itong ginagawa namin..ksi po wla pong kaming mabili na platelet concentrate ..para lang po tumaas ang platelet nya

    • pasensya na po at ngayon lang nabasa ang comment niyo. ako na lang po ang magtatanong kung kumusta na po ang bata. mabuti na po ba ang kalagayan niya?

  96. my little one is 10 months old, boy,,like nya ang malunggay juice, kadalasan isinasabay ko sa pag boil ng veggie nya for breakfast, (e.g boiled squash, pag kulo saka ko ilagay yung malunggay leaves) almost 10 oz sya pero hindi every day..atleast trice a week ko yun ginagawa for him,,,nasubukan ko din sa kanya yung boiled camote tops, wala din reklamo,ubos…would want to try sana ibang juice like fruit juices pero nabasa ko din na hindi pala advisable sa babies under 1 year old coz it may cause tooth decay,,,so safest pa din ang malunggay juice! let’s drink to that!

    • Let’s drink indeed.

  97. Malunggay is really good.
    Kami ng family ko ganun din ginagawa pinapakuluan at saka namin iniinum araw araw ginagawa naming tubig. Wla naman masamang side effects na sobra. Actually maganda nga sya sa amin eh.

    • Salamat

  98. mam okay lng po ba uminom ng malunggay juice ung tita ko po kse may sugat sa breast sbi cancer dw po sbi nmn ng ibng dctor hndi e mejo naglalangib naman na po

    • Ang malunggay ay gulay. Maaring uminom tayo nito maski may sakit o mabuti ang kalusugan. Sanay may maitulong sa ikabubuti ng kalagayan ng tita mo ang paginom ng malunggay

  99. hi..pag kakulo na ng malungay pwede po ba na yung sa kaldero na pinagkuluan nako tutungga yung bang irerekta kona habang mainit pa?

    • Puede. Medyo mainit yun. di ba mapapaso ka kung pagkakulo tutunggain mo na. Puedeng palamigin mo muna ng konti para di ka mapaso.

  100. Wala naman talagang negative side effect ang malungay. Maliit pa ako palaging ulam namin ang dahon malungay halos araw araw. Purong malugay at tanglad lang ingredient at asin makakain na kami. Nuong nag asawa ako, nilalaga lng namin ang mga dahon nang malugay at itapon ang sabaw at yong mga dahon ay sinawsaw namin sa baguong, yon ulam na namin. Sa ngayon wala talaga akong sakit sa edad na mag 48.

  101. hello po. tanong ko lang po sana kung okay lang ibabad mo lang ang malunggay sa mainit na tubig or mas okay kung pakuluan talaga. salamat po 🙂

    • Crissa,

      hindi naman required na pakuluan talaga. Para sa mga raw foodists, puede rin sigurong ibabad lang sa tubig. Puede ngang i juice yung preskong dahon, puedeng ibabad lang din siguro. Ang tanong lang, paano kaya mae-extract yung katas ng preskong dahon kung ibababad lang sa tubig. puede sigurong “lamutakin”, piga-pigain ng konti ang dahon bago ibabad sa tubig. tapos, salain at inumin. Pero gaano kaya katagal dapat ibabad ang malungay sa tubig bago inumin. Yung okra nga pinuputol lang saka ibababad sa tubig ng magdamagan para inumin sa umaga. Maganda ang binabad na okra daw sa mga taong mataas ang sugar. Magdamagan din kaya dapat ibabad ang malunggay o mga ilang oras lang. Alamin.

      cris

      • maraming salamat po 🙂

  102. Pwede po bang haluan ng mandarin juice and honey yung dinikdik na fresh malunggay leaves? para po gumanda lasa. thanks

    • Puede siguro honey para me contrast ang lasa ng sariwang malunggay. Yung air dried malunggay, puede mong pakuluan tapos sslain, yung tsaa lagyan mo ng pangpatamis at kalamansi.


Leave a reply to zonito Cancel reply

Categories