Posted by: cristina | March 14, 2009

Malunggay Juice – boiling leaves and stems

Here’s a comment from Bong which I really can’t answer accurately.  I hope there is someone out there who can give him a realiable answer.  I am not a medical practitioner and I am just an ordinary person.  My answers to other inquiries on this blog are based on my experience and my readings.

Now, if there is someone out there who can answer his query, please help our reader with his question.  Thanks.

“mula nang malaman ko ang benepisyo ng malunggay,gumawa po ako ng malunggay tea pero ang proseso ko po ay pinakuluan ko po ang malunggay hanggang maging green na ang tubig saka ko po inaalis na sa apoy and then hahayaan kong lumamig saka ko ito inilalagay sa empty glass bottle at saka ko ito i-store sa refrigerator at saka ko ito iniinom araw-araw. ang malaking tanong ko po ay ito..ok lng po ba isama ko ang mga tangkay at dahon sa pagpapakulo ko ng malunggay at saka ko ito iinumin…wala po bang masamang epekto ito sa katawan ko? okay lang po ba na inumin ko ang malunggay tuwing umaga bago ko magbreakfast? absolutely,saludo ko sa MALUNGGAY…malaki ang tulong nito sa akin lalo na kapag kulang ako sa PAHINGA AT KULANG SA TULOG O PUYAT. God bless u. sana po ay matugunan nyo ang mga tanong sa isipan ko. Thank you.”

bong

About these ads

Responses

  1. Bong,

    leaves are the source of fiber. you can include it in your juice as much as you like.

    drinking early morning is like eating malunggay for breakfast. nothing wrong in fact, very healthy

    • based on my own experience ok lang isama ang tangkay ng dahon the smaller tangkay lang, kesa isa isahin mo tangalin ang dahon My family including my 7 mos. old apo ay kasama sa pag inom nito, hinahalo sa kanyang infant milk the usual process instead of mineral water pinakuluang malungay 10mins para sure safe ang baby every day required ko syang mag malungay 8oz.

      • salamat sa na share mo

  2. hi,
    its a lot better if you take in the leaves but be sure not to exceed 25 grams daily or it will cause you stomach upset.
    25 grams is more or less 3/4 cup firmly packed fresh malunggay leaves or 2 teaspoons dried malunggay leaves.

    • yes one time i was with a group of friends the owner serve us malungay juice (mallungay and calamansi) the taste was awesome and even ask for another cup problem is i think they over exceeded the malungay leaves that gave me stomach upset….but none the less it was an awesome recipe and i myself do it at home….it is indeed a wonder tree

  3. thanks for your juice recipe using the version that calls 1 c. malunggay to 1 c. water. I have been thinking ofmaking cookies and this was last year yet. I will check for more recipes.

  4. miracle tree

    • ask ko lang sau what is the benifits gets in malungay or moringga

      • check out the other posts in this blog.

  5. thnx for the resipe

  6. ask ko lng poh kung pwede pong gamitin sa investigatory project sa chemistry ung malunggay juice.tnx poh in advance..

  7. hello po sa inyo..im a newbee here, meron lang po akong tanong kung nkakatluong ba ang malunngay juice sa pag develope ng platelets?

    • marvin,

      Sorry pero di naman ako doktor. ang mga comment ko dito is based lang sa experience and readings ko. so hindi ko masasagot ang tanong mo clinically.

      pero di ba ang platelet is needed to stop bleeding? I read on the net that veggies rich in vit k is good for blood to coagulate and stop bleeding. I drink the juice of boiled camote tops (talbos ng kamote) for excessive bleeding during my periods. I told my ob-gyne about this but she did not comment. Malunggay is also green it’s up to you to try and see if it turns out okay with you.

      I hope you will update us on the result. Good luck

  8. ask ko lang po kung kapag ang process ng extraction is by boiling with water, maade-deplete or mauubos ung nutritional content nya?

    • ang alam ko cathy is dapat kapag veggies di masyado pakuluan. ang mabuti nyan is pakulo ka muna ng tubig then kapag boiling na saka mo ilagay ang malunggay. Please email me of the results of your experiment. Ty

    • Para po di mawala ung nutrients ng malungay. Magpakulo muna kyo ng tubig at pgkumukulo na saka po itambog ang malungay pkatambog nyo hinaan ang apoy at magbilang 20minuto after 20 min patayin na apoy atsaka palamigin. Ayun pwd muna inumin bgu kumain. 3 times a day isang baso. Tnx

  9. Hi Ma’am,

    Salamat po sa advise nyo, meron kasi Acute Leukemia misis ko, na chemo na din sya last week, nung nag CBC sya meron improvement sa ibang cells bukod sa platelet nya. Is there any way para tumaas pa platelet nya?

  10. Gusto ko lang share ang experience ko with my second child when he has diagnosed two years ago. sabi ng doctor mababa ang platelet count niya and we were adviced to repeat the test after 20 minutes, so sinced I was so worried to know the next result I immediately let my son drink malunggay juice and nung inulit ang test biglang tumaas ang platelet count kaya when I brought him home alternately ang pagpainom ko ng carrot juice juice and malunggay juice. And when I brought again my son for his follow up check up everything the doctor said that all is well.

    • thank you for sharing your experience irene. i’m sure someone out there would benefit from your experience.

  11. hello po!!!just ask lang po if ung boiling leaves of malungay is it ok din po b sa baby k na 6 months and 4 yrs.old na daugther? thanks po and god bless.by the way im a breastfeeding mom…

    • hi girlie. sinasama namin yung malunggay sa isda at iba pa. okay naman na ipainom yung sabaw o pinaglagaan. maganda rin kung kakain ng dahon yung 4 year old mo. natutuwa ako at breastfed ang mga anak mo.

  12. hi po, pinapakuluan ko ang dahon ng malunggay, then ung pinagkuluan ang ginagamit ko sa pagtimpla ng chocholate drink ng 6 years old baby ko. may sustansya pa din kaya un?

    • oo aleli meron. may mga drinks na yung pinagpakuluan ng malunggay ang ginagamit. yun ang mabuti para sa mga babies at bata

  13. thank you po, kase napansin ko na mula nung ginawa ko iyon, nawala ung constipation ng anak ko., at naging magana siyang kumain..

    • ang galing naman. tyak na may makakabasa nito at paiinumin na nila ng malunggay juice ang anak nila, salamat aleli

  14. –pwede bang kainin ng buo ang puno ng malunggay.,? mataas ba ang nutrisyon na makukuha ko.,?

  15. hi fred,

    gano ba kalaki puno niyo ng malunggay? kung maliit lang puede siguro, hehehehe.

    the leaves would be enough. di mo na kelangan kainin ang buong puno kasi pag kinain mo buong puno ngayon, bukas wala ka ng dahon. matagal tumubo ang seeds. good luck

    • nabasa ko po sa isang libro na ang katas ng dahon ng malunggay ay mabisang gamot sa galis aso, o scabies, nasubukan ko po sa anak ko.. one time po nagkaroon sya ng scabies dahil sa pagaalaga namin ng aso, sinubukan ko pong mag dikdik ng dahon ng malunggay at yun ang pinapahid ko. napakabisa nito at sana mabasa ng iba para kahit sa bahay lang ay magagamot nila ang kanilang scabies dahil ito ang madalas na sakit sa balat.

      • salamat fred sa naibahagi mong karanasan.

      • talaga mabisa b tlaga?

      • mabisa kasi yung preskong malunggay na dinikdik pampagaling ng mga sugat.

    • -thanks po..

  16. talagang mabisa ang malungay, sa ngayon madami akong pinatutuyong malungay dahil madami ang humihingi sa akin.

  17. this is my original recipe at my culinary school it is called moringa juice and it is refreshing and kids may love it put 1/2 cup of fresh malunggay leave in blender 1/4 cup fresh mint leaves,2 cup sugar syrup and juice of half of lemon blend until puree then strain in fine sieve serve in a glass full of ice,,, enjoy

  18. my wife was diagnosed to have alpha thalssemia last week. it was only discovered due to her paleness and lack of energy.

    i have been serving her with malunggay tea recently for almost 2 weeks daily.

    her lips was very pale before and we have noticed it turned pinkish lately.

    she is also taking folic acid lately and will be visiting her doctor this saturday..

    thanks and will update you soon

  19. thanks. please update us so other will learn also. Good luck

  20. Hello, Cristina, thanks for posting your experience! A friend told about it and I tried. So I also experienced the benefits of Malunggay…and I am always sharing to others about it and they also tried and feedback the benefits they got. My hemoglobin count never reach 10 before but when I learned that malunggay can help, I tried drinking its tea by boiling the leaves, and eat the boiled leaves afterwards. Later, I learned that even just pouring a boiling water on a cup of few malunggay leaves (1 tangkay na nahimay) will do. I did this daily for more than a year and my hemoglobin count reached 14. This time I take it only 2x or 3x a week. It really worked wonders!

    • thanks for sharing lyn

    • thank you po sa lahat ng mga information niyo about sa benefits ng malunggay sa katawam, may itatanong lang po sana ako, ok lang po bang ilaga ko ung malunggay tpos ipapalamig ko at ibabad ko ung katawan ko?

      • maganda rin yang idea mo. makakamura ka sa bleaching costs at gagaling pa ang mga problema sa balat.

  21. Hi Cristina my brother told me to drink malunggay because there so much benefit and idid research and its true. My first time i drink malunggay i notice i feel sleepy and weak why?

    • i actually don’t know the answer marilou since i did not experience the same thing. I justs drink it ang get energized after.

  22. mabisa po ba ang pinatuyonh dahon ng malungay saka ito pa kukuluan hanggang maging green ang kulay ng tubig, pwede po ba ito inomin ng 1yr old baby?

    • nenita,

      di lang siguro concentrated masyado. di ko masabi kung ano ang proportion ng tubig at pinatuyong dahon, puede kang mag trial and error. pero dahil babay kasi yan, be very careful.

      thanks

      cris

  23. 3 weeks na po akong nagboboil ng malunggay leaves. mga 10-15 mins ko po syang pinakukuluan. After po pakuluan, inaalis ko po yung dahon at pinipiga para makuha pa yung ibang katas. Tama lang po ba na pakuluan ko sya ng 10-15 mins? If not, mga ilang minutes po ang ideal para sa pagpapakulo ng leaves? tnx.

    • irene,

      mas mabuti siguro, hintayin mo muna kumulo yung tubig saka mo ilagay ang dahon ng malunggay. pakuluin mo ng minsan then tama na. ganun naman di ba pag naluluto tayo ng ulam na may malunggay o kaya dahon ng ampalaya. manipis naman ang dahon ng malunggay so tama na ang isang kulo. ok lang naman kung pigain mo pa ang dahon para di naman masayang ang juice.

      good luck

      cris

  24. hello po ok lng po ba kung pakuluan ko lang yung malunggay na dahon kasama na ung tangkay nya mahigit sampong piraso ang pinakuluan ko tapos pag kulay green na yung tubig saka ko na cya palamigin at inumin araw araw ok lang po ba itong ginagawa ko..wala po bang masamang epekto ito sa katawan

    • melchor,

      ok din naman yan. puede ding i air dry mo muna yung dahon at pag medyo tuyo na ay saka mo siya ilagay sa kumukulong tubig. pakuluan mo ng awag naman masyadong matagal. saka palamigin. puede rin namang inumin ng mainit.

      wag mo rin sanang kalimutang mag research tungkol sa oxalate ng mga green vegetables. malalaman mo na ang mga gulay na luntian ay meron nito at ito ay maari daw maging sanhi ng bato sa daluyan ng ihi ayon sa mga pag aaral. kaya mabuti rin na kung iinum tayo ng sabaw o katas ng malunggay, iinom din tayo ng maraming tubig.

      salamat

    • you’ll get more health benefits if you puree the leaves raw in a blender, mix with some amount of fresh juice and drink it. malunggay loses its nutrient when cooked.

  25. im happy to know na tama pala ginagawa ko now painumin ng malunggay ang mga anak ko at pati na rin ako to be healthy …actually 3 days ko palang nagagawa ang pagpapakulo ng malunggay..and im hoping for a very good result in our body……thanks sa mga nabasa kong info…..

  26. Hello, good day sa lahat, marami na rin ako nababasa ng nagagawang kabutihan ng malunggay, but as of this message, kakaumpisa ko palang mag try mapgpakulo ng dahon ng malunggay, asahan nyo, i will keep you updated sa pag-inom ko nito ………..

  27. san po ba dapat pakuluan yung dahon ng malunggay?sa palayok po ba?may nakapagsabi po kasi na may di magandang reaction pag sa kaserolang aluminum ito pinakuluan,

    • oo nga daw. puede din sa ceramic o sa glass katulad ng pyrex

      • masama po ba sa kaldero pinapakuluan? please confirm. nag papakulo po kc ako sa kaldero lang. ano po di magandang reaction pag s keserola lang papakuluan.

      • hi ms. grace:

        ah, meron kasing sinasabi na meron daw chemical reaction pag sa aluminyo ka nagluluto. hindi ko lang ma confirm sa iyo, pero kung ala ka namang ibang magagamit, ok na rin siguro. kung gusto mo, maghanap ka ng palayok. yung magandang palayok na pag nagluto ka, hindi kumakatas ang tubig galing sa palayok. yun ang pinakamaganda at mura pa. meron mga glass at enamel, pero mga mahal naman ang mga iyon, hindi naman para sa ating mga masa.

  28. pareho tau bong, nilalaga ko ang malunggay at dretsong iniinum yung tubig.. at nakakaramdam ako ng lakas.. lagi kc akong puyat dhil isa akong ciolcenter agent at malaki ang naituliong na boiled malunggay sakin.. o.a pro totoo.. so i dont think merong masama sa kung anu man ang ginagawa mo sa malunggay…’

  29. nice tlaga..

  30. ang ugat b ng malungay ay pwde ilaga at inumin..?pra gumanda ang pagihi ko..?

    • ang ugat ng malunggay ay sinasabing abortifacient. hindi ko alam kung babae ka o lalaki pero sinasabing ang pag gamit ng ugat ng malunggay ay may kaakibat na may mas ibayong pag iingat. subukan mo na lang ang balbas pusa. maglaga daw ng 5 dahon kasama ang bulaklak sa 3 basong tubig at inumin. nakakatulong ito daw sa paglabas ng mga bato sa daluyan ng ihi.

  31. meron ako ngayon galis aso. i cant remember kung san ko to nakuha . wala naman kameng alagang aso. cguro nahawa lang ako. bumili na ako ng gamot na inireseta saken nung doktor. pero nag dadalawang isip ako gamiten kase sabe konting tiis lang sa amoy dahel mabaho.
    nag research nga ko ng simple na gamot para dito at nakita ko nga ang site nyo. i tatry ko po yung tinadtad na malunggay leaves.
    *( ipapahid ko po ba sa buong katawan yung malunggay leaves? )
    *( yung malunggay leaves ba ee papakuluan ko paba bago dikdikin o hindi na ? )
    i send a feed back if working.

    i start to drink boild malunggay na den, kase parang napaka interesting.
    dame ko na kase beses narinig yan.

    • akapulko ang magaling na gamot yata jan. paki check ang stuartXchange site. maraming mga halamang gamot na makikita ka doon.

    • ask ko lang kung natanggal na ang galis aso mo sa malunggay..??

      • sakurachan

        dikdikin mo kaya yung dahon ng malungay then pigain, ang juice nito ang ilagay sa galis. maganda itong pangpatuyo if fresh ang galis dahil sa kakakamot. ulit-ulitin hanggang mag umpisa ng mag-scab.

        pag medyo natuyo o di na fresh ang galis, lagyan ng virgin coconut oil. mayat-maya. that means, everytime na medyo dry na ang oil, lalagyan mo na naman ng VCO. you will find this helpful, I’m sure.

  32. mainam po b ang malunggay to stop bleEding pag sobra n s regular means mu?

    • mabuti nga ilaga mo at inumin ang juice. pero mas maganda ang talbos ng kamote yung ang i boil mo. mas madali titigil ang mens if sa tingin mo ay masyado malakas at matagal ang mens. please see a doctor ob-gyne and research about endometriosis and adenomyosis(?). ang grabeng dysmenorrhea ay di normal. dapat ikonsulta sa doktor.

  33. ask q lng poh f it can help poh b ang pnaglagaan ng malunggay or ung dahon mismo ng malunggay sa pagtaas ng hemoglobin???im a kidney patient and under medication of dialysis……thanks and Godbless!!!!

    • on dialysis ka na? pag madaming green na veggies di rin maganda sa kidney. please ask your doktor mas mabibigyan ka niya payo. salamat.

  34. good day,

    A close friend of mine told me that drinking boiled malunggay leaves can help improve the sperm count of my husband. So when i got home, kumuha agad ako ng mallunggay leaves at pinagpakuluan ko ng mga 5 minuto at ininom naming dalawa ng husband ko. nilgyan ko ng konting brown sugar para naman may konting tamis. ok lang po ba yun? what is the ideal proportion of boiling maluungay leaves? mga 3 days na kaming umiinom.
    thank u po.

    • hi jenet,

      ok naman siguro yung paraan mo kasi medyo di nga maganda lasa ng malunggay. me isang politiko na di na active ngayon na nagclaim na dahil sa malunggay nagkaanak sila ng asawa niya. dahil sa dami ng sustansyang makukuha sa malunggay bumubuti ang ating pangangakatawan. kung sa proportion di ko masabi talaga. ung sakto lang siguro na mag green ang tubig. maganda rin na itali mo ang ilang dahon ng malunngay, isabit mo muna sa sampayan na di naiinitan at pag medyo nalanta na ay saka mo ilaga. nababawasan ang di magandang lasa

  35. ask ko lang ano ba ang mas masustansya fresh or dried malunggay.Marami kasi akong malunggay then i dried it up then ginawa ko siyang powder by using blender. Minsan sa mga ulam sinasama ko siya, paano ko naman siya gagawin parang tea po kung powder na siya…salamat

    • ang sabi mas mataas na ang nutrients ng powdered. pero wag kalimutan na pag natuyo na ang malunggay mas maliit na ang level ng vitamin c. kung busy tayo mabuting gumawa ng malunggay powder pero wag papatagalin. kasi dahil mano-mano lang ang pag gawa natin, maaring magkamali tayo sa pag papatuyo at amagin ang powder na di natin napapansin. kung gagawa ng malunggay powder at di pa masyadong bihasa mabuting gumawa lamang ng para sa ilang araw. dahil ang amag ay makasasama din. kailangan din istrikto tayo sa kalinisan dahil kakainin ng ating pamilya.

      may mga dapat ding tandaan kung papaano iimbak ang malunggay powder. di dapat ilagay sa maiinitan ng araw, o malapit sa lutuan. mas mabuti ilagay sa garapon at ilagay sa ref. kung magabago ang kulay ng powder at di na berde, mabuting di na ito gamitin ng tao pero maaaring ilagay sa inumin ng mga hayop, lalo na manok, o ibabad sa tubig na pangdilig sa mga halaman.

  36. good day ask ko lng kng ayos lng ba sa ng didialysis ang uminom ng malunggay juice, nkakataas ba yun ng hemoglobin? kc monthly ngsasalin ng dugo ung pinsan ko dhil bumababa hemoglobin nya, eh syempre di nman sa lahat ng oras my hawak cyang pera, kya ngtatanong sna kng meron herbal n nkakadagdag ng hemoglobin… salamat po, sana sa may alam,pki share nman po….

    • okay

  37. tanong ko lang po kung walanmg masamang dudulot sa bato ko ang ginagawa kung pag dikdik ng sariwang dahon ng malunggay atypinipiga ko ang katas nya ini inum ko po ng puro kc mas mabisa daw po kung sariwa ang malunggay

    • masama ang maraming green vegetables sa bato. may oxalate kasi ang green vegetables. puedeng kang magtsaa using air dried malunggay pero siguro isang tasa (hundi mug). yung pinakamaliit na tasa siguro.

      yung oxalic acid causes kidney stones. kaya sa lahat ng bagay dapat moderation pa rin,

  38. gud day!,.ask ko lang po kung pwideng inumin ang malunggay juice sa may reflux gastritis,.salamat po

    • siguro dun ka una sa air dry na malunggay tapos boil water pag nag boil na, saka ilagay malunggay taos off na ang stove.

      masyado matapang ang fresh malunggay. kung may bleeding, ok naman ang dried malunggay kasi nakakatulong sa pagstop ng bleeding. malunggay has vit k .

  39. I have gastric ulcer & I noticed that everytime I drink malunggay juice, medyo umaasim ang sikmura ko. Hindi kaya madumi ang malunggay if I will air dry it without washing> Siguro naman mawawala ang bacteria after pitting it in a boiling water/ How many minutes shall I boil it?

    • you have to wash the malunggay thoroughly before air drying or before you use it for any purpose. after harvest, shake the leaves, then carefully inspect the leaves if there are dirst and other foreign materials. wash it three times in flowing water then shake again to remove excess water. then you may either juice it fresh or air dry.

      regarding stomach acidity, try to drink malunggay juice 30 mins after eating. this might reduce acidity.

      boil the water first then put malunggay and remove from fire.

  40. hi po gud day….
    ask lang po kung ok ang fresh malunggay boiled for uti??
    1week plang ako start uminom…fresh leaves i boiled 2hrs ok lang b ayun??/
    thanks in advance

    • hi benjie. My assumption is that you were diagnosed for uti for about a week now and because of that you should have taken 1 wk course of antibiotics. I also presume you’re feeling so much better now than last week. it’s okay to drink boiled malunggay but boiling it for two hrs is too much. you don’t have to sterilize the leaves that much. what you do is make sure to inspect the leaves well for dirt and insects then wash thoroughly. You may or may not remove the leaves from the stem.. Boil the water as much as you want to sterilize it and then put malunggay. Then turn off the stove. you may keep the pot covered for a few minutes before you drink the juice.

      Good luck.

    • it’s not that I’m saying magaling sa uti ang malunggay. pero if you decide to drink it, don’t boil it for two hours. Boil water then put malunggay leaves. AFter about 1-2 mins it will boil again, depende sa dami ng malunggay. just wait for it to boil again then turn off the stove.

      Pero ito ay kung alam mong malinis ang malunggay. yung galing ang dahon sa garden niyo o sa kapitbahay. kung galing sa palengke, yun wag na lang. kasi pag matagal mong pakukuluan ang malunggay para ma sterilize yung iinumin mo, baka naman walang maiwan na sustansiya dahil pinatay na ng init.

      • ano po ba ang tamang proseso sa pagpapakulo ng malunggay para po makuha talaga ang sustansya nito?

      • Di koalam kung gaano karaming nutrients ang nawawala pag napakuluan na ang malunggay. Pero ang paraan ko ay pakukuluin ko muna yung tubig saka ko ilalagay ang dahon. pag kulo uli. off ang stove agad.

      • sa pagluluto ng gulay, mas madali mo siyang i expose sa init, mas maganda. eating raw fruits and vegetables is better, though.

        unahin mo muna pakuluan yung tubig, kung di na kailangan i sterilize ang tubig at tama na ang haba ng pagpapakulo, ilagay mo na ang malunggay. ilubog sa tubig at takpan. pagkulo uli ng tubig, ay patayin na ang apoy. hayaan mo muna siyang kumatas at puede mo na siyang inumin matapos ang 5-10 minuto.

  41. good day, tanong ko lang po kung pwede po bang painumin ang 4 months baby ko ng malunggay sakitin po kasi sya at may asthma? thank you po….

    • importante po mommy e itanong po natin sa pediatrician ng bata. mahirap po kasing mag eksperimento dahil ang bata naman ay hindi makakapagsabi kung ano ang epekto sa kanya. siguro po ay magandang palagi na lang tayong magluto ng ulam na may sabaw na puedeng haluan ng malunggay. at painumin ng sabaw si baby at pakainin ng gulay.

  42. is it okay lang po ba to drink malunggay before bedtime?when is the best time to drink it?

  43. hello gud evening….my creatinine is high….cud drinking boiled malunggay leaves lower my creatinine?

    • Jun,

      sorry ha? I’m not a doctor so i can;t say anything about that.

  44. Masabi talaga ang malungay lalo na ung fresh ang gawin mu kuha ka ng dah0n ng malungay at ito ay dikdikin mu tska mu pigain at inumin masmaganda ung pure na katas nya kaisa sa pinakuluan..

  45. ,,,,,ma’am pedeng humingi ng 2long sau,,,,

  46. ……ask q lng qng me recipe ksa wine………& qng pedeng gwing wine ang calamansi…,

    • hi raymond,

      pls read this article and see if you can produce a good wine using these procedures. Good luck!

      http://www.pinoybisnes.com/agri-business/fruit-wine-making/

      • Hi po Mam Cristina,
        paano po ba gumawa ng dinikdik na malunggay ung dried na sya para po maihalo ko sa milk ng 2 year old baby ko di kasi sya kumakain at milk lang ang tanggap ng panlasa nya.

        Thank you po and More Power! sana madami maka discover nitong blog nyo…

      • hi connie, kung dried na siya at malutong na, puede mo na siyang i blender. meron blender na may dry mill. o kaya kung gusto mo dagdagan ng tubig, sa wet mill ng blender then, salain mo na lang ang katas para masama sa gatas ni babay.

        pero kung baby pa siya, mas mabuti siguro na yung tubig ng pinakuluang dahon ng malunggay na lang ang gamitin mo para sterilized na.

  47. hi effective pa rin ba ang malunggay powder..my mum used to dry them…..pagkatapos isasangag nya ng konti pra mawala raw ung bacteria pagkatapos dinidikdik nyaito hnggang mging powder tapos iyon ang iniiniom nya everyday two 2 teaspoon of powder with 1 cup of hot milk…thanks

    • effective pa rin yan. don’t worry.

  48. My mother (67 yrs old), my son(3yrs old) & me (40yrs old), we’ve been drinking boiled malunggay every morning (3-4x a week) since 2010. here are the benefits we got:
    1. it cured my mother’s ” rayuma s panga” b4 when she eats 1 spoon of ice cream at 5 butil ng boybawang, her jaw swells.. now she eats pint of ice cream & 1 big pack of boybawang…
    2. my son started drinking it @ 3mos… 4oz a day w/ sugar… di sya sipunin at sakitin… payat sya tingnan pero pg binuhat sya 1reaction nila “ang bigat bigat nmn pl ni jL.” &he’s tall for his age. (bec malunggay is vry rich in calcium).
    3. it cured my allergic rhinitis.. b4 few dust cn mke my nose red, dripping, sneezing.. i cn feel that it improves my sperm count… it gives me more power when i workout @. d gym, & i cn run more kilometers thn b4

    • Salamat sa pag share

  49. salamat poh sa mga info..

  50. Hi cristina yung po bang pinakuluan na dahon ay ok po bang inumin yan. Sumasakit kasi yung labasan ng dumi ko kaya naisipan kung uminun ng malunggay leaves na pinakuluan ko hangang sa dumilaw na yung kulay ng tubig tapos ilagay ko sa buti at inienum ko every morning and afternoon. Maayos naman sya dahil hindi na sumasakit yung labasan ng dumi since uminom ako ng ng malunggay leaves. Need your advice please.

    • Pasensya na pero magtatanong ako sa iyo kung almoranas ba yan. if almoranas, mas mabuting kumain ng maraming gulay at prutas lalo na kung hilaw.

      pero kung hindi naman, mas mabuting mag pa check up ka sa isang internist kasi baka naman may obstruction o bara sa daanan ng dumi. makabubuti talagang magpunta sa doktor

  51. Hello po, i just want to share my style of making malunggay juice. Dinudurog or binabayo ko lng po sya sa almeres and i squeeze it and ihahalo ko lng po s i glass of water and yon pwede na syang inumin.

    • oo tama yan.simple at madali, wala pang gastos sa koryente. salamat sa idea

  52. Ask lng po aku,
    pgnagmalunggay juice nilagyan ba ng sugar or hindi na?

    • bryan, depende lang yan sa iyo kung gusto mo ng matamis.

  53. hello po, ask ko lang po sana kung ok lang na pinakuluan ko muna ung malunggay ska pinalamig at binabad ko sa part ng gatawan ko? mapapawala ba nito ung scabies?

    • scabies ba? maganda rin siguro. makakatulong din na pagkatapos mong maligo ay lalagyan ng Virgin coconut oil ang apektadong parte ng katawan. kung matuyo na ang oilay lagyan uli.

      ang virgin coconut oil ay mabuting magpagaling ng mga sakit sa balat

  54. malunggay ba is good for preventing breast cancer ?

    • madami kasi siyang nutrients. ang importante naman kasi sa paglaban sa sakit na ito ay palakasin ang ating immune system.

  55. hi mam,

    ako kase may uti mabisang ba itong inumin pinakuluan yung malungay para sa may uti

    • uti? ang buko ay mabuting gamot sa uti. kung malunggay, dahil madami siyang nutrients, pinalalakas din nito ang katawan mo at malalabanan ng katawan mo ang mga impeksyon na aatake.

  56. is it okey to refrigerate the remaining boiling malunggay for later consumption??? always busy kasi kaya sometimes parang di n makapagboil ng malungay… tanx

    • hi nex! the longest I did is save it for next day’s use. however, i never tried to put it in the freezer. maybe it will last longer if you place it there

  57. could malunggay provide enough vitamins needed by our body daily??? coz sometimes we must admit many of us eat unhealthy foods just to survive the day..noodles,,can goods… tnx

    • I believe so. malunggay has plenty of nutrients. however, the question is how much of these nutrients are retained after we process and preserve it.
      Nevertheless, it is still good to have malunggay than not having any vegetables at all. if time is your problem re preparing it, maybe you can use
      malunggay powder because you can take it anytime, anywhere.

      you can add it to your drinking water, hot water, coffee, milk or any liquid you’re going to drink.

  58. hi gud pm, ask ko lang po sana of safe ihalo ang malunggay shake sa gatas ng baby ko bale 1 year old, and mag 3 months na sya? sakitin po kc baby ko last month na admin sya dahil nagkaraon sya ng pheumonia with ashma?

    • Kelly,

      malunggay shake, ay preskong malunggay. Baka mahirap yun kasi bata pa siya.
      kung ganyan na galing siya sa sakit, mas makakabuti siguro na palagi mo na lang siyang pakainin ng mga
      preskong ibat-ibang gulay, katulad ng malunggay. Totoo na maganda sa katawan ang malunggay, pero, kailangan maingat din tayo sa paghahanda nito.
      siguraduhin mo lang na maayos ang pagkakakulo ng tubig at malinis ang malunggay na ihahalo. kung minsan kasi, hindi natin nahuhugasan mabuti ang
      dahon. saka, busisiin din kung wala bang mga insects o ibang dumi ang dahon para sigurado, bago hugasan ng mabuti. paki discuss din sa pedia mo ang balak
      mo na gumamit ng tubig ng malunggay.

      kung may asthma ang anak mo, meron din triggering factor yun. sana ay ma identify mo kung saan siya me allergy. di lang sa kapaligiran, kundi pati sa pagkain.

      good luck kelly

  59. sa ngayun po kc pinapakuluan ko yung dahon ng malunggay tapus yun na ung pinakatubig ng gatas nya wala po bang masamang effect un sa baby ko?

    • hi kelly,

      nung maliliit pa yung mga anak ko, 30 minutes ko pinakukuluan yung tubig para sa inumin at milk nila. di naman over masyado (heheh). kung sa malunggay
      kung gusto mo talaga na yun ang gamitin mo, dapat siguro pakuluan mo ng matagal tagal yung tubig then, pag nalagay mo na yung malunggay,
      di na puede yung sinasabi ko na paglagay sa dahon, pakuluin ng minsan then patayin na ang apoy at i-simmer na lang sa kaldero ang malunggay.
      Baby kasi yung pinag uusapan, kaya mas maganda, mas maingat tayo. Payo ko na lang sa yo, i discuss mo rin sa pedia mo kasi, siguradong may maiaambag siyang
      kalaman para sa bagay na ito.

  60. thank you so much ate ceistina, bale pala nung thursday check up ng baby ko sa pedia nya na ask ko nga if pwede ung katas ng malunggay ang pinaka tubig para sa gatas ng anak ko. yes ok lang daw po kc herbal naman un ask ko dn po sana sainyu ulit if pwede ung talbos ng kamote ang ilalaga ko naman para un namano sana halo ko sa milk ng bay ko?

    • kung malaking tao okay agad ako pero baby kasi kaya ingat ingat lang tayo. anumang mabuti ay puedeng makasama kung sobra.
      makabubuting itanong uli sa pedia para makasiguro. salamat

  61. I am currently having problem with my hemoglobin coz even after blood transfussion mt hgb count never reached 12. i I have read all the posts and i am thinking of trying out boiled malunggay leaves too, Cris’s post inspires me to give it a try before my ferritin tibc and blood smear sched.

    • i am not a doctor but i think it is best to tackle the root cause of why your hemoglobin is low. you’re doctor is the best
      source of information as to your actual diagnosis. from there, you will best know how to resolve the problem. Thanks.

    • goodluck Ruth

  62. Just want to ask if how many glass of water you can drink a day of boiled malungay?

    I’m drinking daily one liter of boiled malunggay including tanlad and pandan leaves.

    Then after a week i noticed, i’m urinating freguently. I’m already allergy on this. Because of low sodium i have experienced. Then after noticing that, i did my sodium test, and it’s below the normal range. I’ve got 131 the normal range is 137-145. I’m alkergy to deuretic medicine. And i’ve noticef thru google that malunggay & tanlad are deuretic.

    My question now is, how many glass of boiled malunggay is allowable per day.?

    Anybody who can answer this?

    Thanks!

    • hi navie,

      please read the replies/comments on this post and other posts in my blog. I’ve noticed that some people drink as much as 1 liter a day of boiled malunggay leaves. But I don’t really recommend that. as i mentioned in my other comments green vegetables, including malunggay is a source of oxalic acid. oxalates in high concentration is bad for the body. they cause stones which may get lodged in kidneys and bladders (maybe also in our stomachs). Please remember that even a good thing if too much may end up bad. I believe that vegetables are good if we eat a variety and not just focus on one kind.

      I recommend that each of us try other vegetables. I think balance and variety is a good description. You may even try taking raw vegetable juice like pipino, cabbage, mixed with alugbati, kangkong leaves, ampalaya fruit and leaves (but again don’t overdo them as they are beneficial but bad if in too much quantity)

      My morning ritual is drinking 3 kalamansi in lukewarm water. then drink a mixture of fresh juice and vegetables. what ever is available. pipino (cucumber) is a regular, then I add apple, banana or papaya (for my son who has special needs). For me pipino, plus any available fruit, then a mixture of a few herba buena leaves, basil leaves, ampalaya, kangkong, spinach, alugbati (whatever is available in my container garden here in the city) and ginger, turmeric (all planted by me).

      from time to time, I prepare boiled malunggay leaves, or boiled camote leaves, or boiled ginger or bpoiled turmeric, which I drink in the afternoon to night time. Although I also have tanglad, and pandan, i haven’t tried boiling and drinking them. But they sure are regulars in our meals.

  63. tama po ba na nagpapakulo ako ng tubig kasabay nung malungay pinakukuluan ko ng matagal hanggang sa tingin ko ay nakatas ng mabuti un malunggay pag lamig ay nilalagay ko sa isang pitchel bago ilalagay sa refrigerator. Kung minsan ay 4 glass a day kung uminom ako at inaabot ng 4 days bago ko maubos un pinakuluan ko malungay tama po ba un procedure na ginagawa ko pati ang paginom ng 4 na baso a day. Ilang araw po ba bago masira ang pinakuluan malungay sa ref. Mga gaano po bang karami malungay leaves at ilang basong tubig dapat pag nagpakulo?

    • Reynaldo,

      Sana naman ay ganito karami ang iniinom mo dahil kailangan mo for a certain period. Pero wag naman pangmatagalan. makakasama ang mag concentrate ka sa malunggay lamang dahil ang mga gulay ay maaaring maging sanhi ng pag develop ng stones. Pakibasa ang reply ko sa ibang nag comment.

      Isa pa, para sa akin ay sobrang tagal naman ng pagpapakulo mo. pakuluin ang tubig at ilagay ang malunggay. pakuluin uli at patayin ang apoy. habang nagtatagal ang pagluluto sa gulay ay nawawala na rin ang sustansiya. Maraming nagsasabi na mas magandang kainin ang gulay na hilaw.

      Sa tagal sa refrigerator, di ko pa nasubukan na patagalin ng 4 araw ang malunggay juice. nag iiba na ang kulay after 2 days. nagiging brown, at di ko na iniinom. Sa ngayon, kung ano lang ang naapakuluan ko sa isang araw ay inuubos sa araw na iyon. di ko na pinatutulog sa ref ang malunggay.

      sa kung gaano kadami, ang aking ginagawa ay 10-16 na dahon (yung nakadikit sa sanga) ay inihahalo sa 1-1 1/2 litrong tubig. Hindi ko alam kung anong dami talaga ang tama.

  64. ask ko lang if ok to drink malungay with hot water just like coffee…hindi pinakuluan…thanks

    • fresh or dried okay lang inumin

    • camzs ako yong very hot water lang buhos ko sa washed malungay,, my naeextract narin yon na vitamins, at least,, kasi yon ans easiest,, ky super busy man ako,, bali dinidistribute ko yon sa bootle ng mga babies ko… 1 glass per day,, 2 na sila dyan… at least lang my narereciv na nutrients yong mga bata. ako din nilalagyan ko ng coffee para di ko mapansin yong lasa… maka inom ka kahit half a glass maganda na energy mo nyan,,

  65. hi im borj pinapainum ko ng malugay juice ang aking 8 months old baby and she loves it ..tanung ko lang po kung d po ba magiging tea ang malungay kung biboil po ito and i know na ang tea ay nakakapagpanipis ng bituka …

    • borj wag lang sosobra painum sa bata ng malunggay juice ha. maski anong mabuti pag sobra ay nakasasama. fresh malunggay juice o boiled malunggay wag nating sosobrahan ang inom, para bata man o matanda

  66. hi poh,,im mhay,,,i just want to know po if malaki po ba ang naitutulong ng ang paginum ng boiled malunggay leaves sa liver?,,,does it helps to prevent liver cancer?…thanks po…

    • sorry ha wala akong study na nabasa tungkol diyan

  67. I heard to many good feedbacks about Malunggay…so i tried it, boiling leaves and then papalamigin ko..i have rheumatic heart,i was diagnosed when i was pregnant, also i have bad migraines..2 days palang ako umiinom 3 times a day.. i hope it will help me restore my good health..i will share the results soon..

  68. Tanong ko lang po hindi po ako makatulog sa gabi simula mg uminom ako ng malunggay tea. 5 times a day po ako umiinom at kinakaiin ko po dahon. May epekto po kaya eto dahil di ako makatulog sa gabi?

    • Ok lang po ba uminom ng malunggay tea before bed time?

    • maganda. sa akin mas maayos ang eliminarion in the morning if makainom ng malunggay tea before bedtime and in the morning

  69. may hepa b po fathers ko…umiinum ng boiled malungay…ok lng po ba?salamat

    • hindi ko alam kung yun ang gamot sa hepa pero to improe his immune system/overall health makakatulong ang malunggay

  70. base po sa aking nabasa sa isang site na ang malunggay po ay nakakatulong upang controlin ang pagg develop ng HIV…. ksys po itong tinawag na miracle tree dahil sa dami ng benefits nito sa ating kalusugan….

    im glad kasi accidentally kong nakita ang site na ito ni cris…. nakakatuwa po na marami ang nahuhumaling sa malunggay… marmaing salamat po…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 30 other followers

%d bloggers like this: