Posted by: cristina | September 18, 2008

Ginataang Pata ng Baboy

Mga sangkap:

1 pata ng baboy

1 ulo ng bawang

1 medium onion

1/2 kilo kinudkod na niyog. Pigain muna ng walang tubig para makuha ang kakang-gata. Itabi. Lagyan ang sapal ng niyog ng 2 tasang tubig saka pigain. itabi uli.

1 small can pineapple tidbits

fresh lemon basil leaves (sangig in cebuano)

paraan ng pagluluto:

pakuluan sa tubig ang pata ng baboy. Bago kumulo kunin ang mga bula sa ibabaw ng sabaw. Pakuluin ng mga sampung minuto. Hanguin at kunin ang sabaw. Itabi ang sabaw.

Isabaw sa pata ang ikalawang gata ng niyog at ihalo ang 1 lata ng pineapple tidbits. Ihalo ang bawang at sibuyas. Pakuluin hanggang lumambot.

Kapag konting konti na ang sabaw ay Ihalo na ang kakang-gata. Pag kulo ay ilagay ang sangig. Takpan at hanguin na


Responses

  1. Hey super thanks for this recipe. Looking for more sangig stuffs. I am planting it in my garden. maka herbal and spice advocate…Cha


Leave a response

Your response:

Categories